Lalaking nurse, hinatulan ng habambuhay na pagkakakulong dahil sa pagpatay sa 10 pasyente
• Isang German nurse ang hinatulan ng habambuhay na kulong dahil sa pagpatay ng 10 pasyente
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
• Sinubukan din niyang patayin ang 27 iba pa sa pamamagitan ng pag-inject ng malalakas na gamot
• Ginawa raw niya ito para mabawasan ang trabaho niya tuwing night shift
• Ayon sa korte, hindi siya nagpakita ng pagsisisi at may mabigat na pananagutan sa ginawa

Source: Original
Hinahatulan ng German court ng habambuhay na pagkakakulong ang isang palliative care nurse matapos mapatunayang pumatay siya ng 10 pasyente at nagtangkang pumatay ng 27 pa.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Nangyari ang mga insidente sa isang ospital sa Würselen malapit sa Aachen mula December 2023 hanggang May 2024.
Itinuring ng korte na may matinding bigat ang kasalanan niya kaya hindi siya maaaring makalaya nang maaga matapos ang 15 taon, na karaniwan sanang puwedeng pag-usapan sa mga ganitong sentensiya.
Hindi ipinahayag sa publiko ang pangalan ng 44-anyos na nurse. Ayon sa imbestigasyon, nag-inject siya ng malalakas na sedatives at painkillers sa mga pasyenteng matatanda.
Sinabi ng mga prosecutor na ginawa niya ito para mabawasan ang trabaho niya sa night shift. Ipinakita rin sa paglilitis na wala siyang pinakitang habag at hindi siya nagsisi sa ginawa.
Gumamit umano ang nurse ng m0rphine at midazolam, mga gamot na kayang pumatay kapag mataas ang dose.
Lumabas sa paglilitis na nagtrabaho na siya sa iba’t ibang ospital mula noong 2007, at nagsimulang magtrabaho sa nasabing ospital noong 2020. Inaresto siya noong tag-init ng 2024.
Patuloy pa ang exhumation ng iba pang katawan para alamin kung may mas marami pa siyang biktima.
Posible pang magkaroon ng panibagong paglilitis kung may madadagdag na kaso.
Ikinumpara ng mga awtoridad ang kaso niya sa kilalang German serial killer na si Niels Hoegel, isang nurse na napatunayang pumatay ng 85 pasyente noong 2019.
Basahin ang artikulo na nilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.
Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

