Babaeng Briton, nagkaroon daw bigla ng Thai accent matapos gumising mula sa pagkaka-stroke

Babaeng Briton, nagkaroon daw bigla ng Thai accent matapos gumising mula sa pagkaka-stroke

  • Isang babaeng Briton ang inatake sa utak habang nasa bakasyon sa Turkey
  • Pagkagising niya, laking gulat dahil nagsalita siya gamit ang Thai accent
  • Ayon sa mga doktor, mayroon siyang Foreign Accent Syndrome, isang bihirang kondisyon sa pagsasalita
  • Unti-unti na siyang nakakarekober, ngunit nananatili pa rin ang kanyang banyagang accent
Pixabay on Pexels
Pixabay on Pexels
Source: Original

Isang babaeng Briton ang nagulat matapos siyang magising na may Thai accent matapos ma-stroke habang nagbabakasyon sa Turkey.


Si Cathy Warren, 29 taong gulang, ay nagpunta sa Fethiye, Turkey noong Setyembre 2024 para ipagdiwang ang kanyang ika-28 kaarawan.

Habang papunta sa hapunan, bigla siyang nahilo at hindi na niya maigalaw ang kanyang mga binti.

Ikinuwento niya na matapos silang magpakuha ng litrato, bigla na lang siyang hindi makalakad.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dinala siya ng kaibigan sa ospital, kung saan lumabas sa mga pagsusuri na siya ay inatake sa utak.

Pagkagising niya, paralisado ang kaliwang bahagi ng kanyang katawan at napansin niyang iba na ang kanyang accent.

Read also

Claudine Barretto, gustong tapusin ang mahabang alitan nila ng kapatid na si Marjorie

Ayon sa mga doktor, si Warren ay may Foreign Accent Syndrome—isang pambihirang kondisyon kung saan nagbabago ang paraan ng pananalita ng isang tao, na parang may banyagang accent kahit hindi naman iyon dati.

Paliwanag ni Dr. Greg David Dayrit ng St. Luke’s Medical Center, nangyayari ito kapag may pinsala sa bahagi ng utak na kumokontrol sa pagsasalita.

Matapos ang ilang buwan ng speech therapy, nakakalakad na ulit si Warren, ngunit nananatili pa rin ang kanyang Thai accent.

Ayon sa kanya, kahawig ito ng accent ng kanyang inang Thai.

Aminado siyang bihira raw itong bumalik sa dati at pakiramdam niya ay parang may nawalang bahagi ng kanyang pagkakakilanlan.

Basahin ang artikulo na nilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.

Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.

Read also

Chie Filomeno, emosyonal na naglabas ng sama ng loob laban sa taong umano’y sinisiraan siya

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: