Modelo, patay matapos saksakin ng 24 beses ng dating kasintahan

Modelo, patay matapos saksakin ng 24 beses ng dating kasintahan

  • Italian model na si Pamela Genini, 29, natagpuang patay matapos saksakin ng 24 na beses ng dating kasintahan
  • Ang suspek na si Gianluca Soncin, 52, tinangkang magpakamatay ngunit nakaligtas
  • Pumasok umano si Soncin sa apartment gamit ang duplicate key na lihim niyang ginawa
  • May mga sugat si Genini sa leeg, dibdib, at kamay na palatandaan ng matinding laban

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Kat Wilcox on Pexels
Kat Wilcox on Pexels
Source: Original

Natagpuang patay ang Italian model na si Pamela Genini, 29 taong gulang, matapos siyang saksakin ng 24 na beses ng dati niyang kasintahan na si Gianluca Soncin, 52, sa isang terrace ng apartment sa Gorla, Milan noong Oktubre 14.

Ayon sa mga ulat, narinig ng mga kapitbahay ang paghingi ng tulong ng biktima kaya sinubukan nilang pasukin ang apartment at agad na tumawag ng pulis.

Pagdating ng mga awtoridad, tinangkang magpakamatay ni Soncin sa pamamagitan ng dalawang saksak sa kaniyang leeg ngunit nakaligtas.

Batay sa imbestigasyon, tumawag si Genini sa dati pa niyang karelasyon nang makita niya si Soncin sa loob ng kaniyang apartment.

Read also

Babaeng teacher, binaril ng sariling asawa sa loob ng paaralan sa Tanauan, Leyte

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Lumalabas na ginamit ng suspek ang duplicate key na ginawa niya ilang linggo bago ang insidente upang makapasok sa unit ng modelo.

Ayon sa prosecutor na si Alessia Menegazzo, nagtamo si Genini ng mga sugat sa leeg, likod, dibdib, kamay, at braso na umabot sa 24 na saksak.

Bagaman magkasintahan pa umano ang dalawa, plano na raw ng modelo na tuluyang makipaghiwalay sa suspek.

Lumabas din sa mga ebidensya at testimonya ng mga nakakakilala kay Genini na matagal na siyang nakararanas ng stalking, pananakit, at pagbabanta mula kay Soncin.

Sa kasalukuyan, nagpapagaling ang suspek sa Niguarda hospital sa Milan at hawak na ng mga pulis. Siya ay nahaharap sa kasong aggravated homicide.

Basahin ang artikulo na nilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.

Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.

Read also

11-anyos na batang lalaki, nasawi matapos tamaan ng kidlat habang nasa loob ng bahay sa Bacolod

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: