Misis, pinagmumulta si mister kada buwan sa tuwing makakalimot na tumulong sa gawaing bahay

Misis, pinagmumulta si mister kada buwan sa tuwing makakalimot na tumulong sa gawaing bahay

  • Isang babae sa UK kumikita ng halos ₱34,000 kada buwan dahil pinagbabayad niya ang asawa kapag hindi ito gumagawa ng gawaing bahay
  • Si Jess Wright ang nagsimula ng sistema ng pagbibigay ng invoice apat na taon na ang nakalipas matapos mainis sa hindi pagtupad ng asawa sa mga gawaing nakatakda sa kanya
  • Maliit na pagkukulang gaya ng pag-iwan ng toothpaste ay may multa na $5, habang malalaking gawain tulad ng laundry ay maaaring umabot ng $50 depende sa mood niya
  • Asawa niyang si DJ tinanggap ang sistema at sinabing nakatulong ito para maging maayos ang pagsasama at maiwasan ang sigawan

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Tima Miroshnichenko on Pexels
Tima Miroshnichenko on Pexels
Source: Original

Isang babae mula UK ang nakaisip ng kakaibang paraan para mas maging patas ang hatian nila ng asawa sa gawaing bahay.

Si Jess Wright ay nagbibigay ng invoice sa kanyang asawa na si DJ tuwing nakakalimutan nitong gawin ang mga nakatakdang trabaho sa bahay.

Nagsimula ito apat na taon na ang nakalipas matapos siyang mainis sa paulit-ulit na hindi pagtupad ni DJ.

Read also

Kwento ni Jess, mas nakakapagod pa raw ang paulit-ulit na paalala kaysa sa mismong gawaing bahay.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kaya naisip niyang gamitin ang “money motivation” ng asawa bilang paraan para maging balanse ang kanilang hatian.

Kada linggo ay hati sila sa gawaing bahay, ngunit kapag hindi tumupad si DJ, pinagbabayad siya depende sa bigat ng pagkukulang.

Maliit na bagay gaya ng toothpaste na nakabukas ay multa ng $5, habang mas mabigat na trabaho gaya ng paglalaba at pagpapalit ng car seat ay maaaring umabot sa $10 hanggang $25, at minsan $50 depende sa inis ni Jess.

Umaabot sa $30 hanggang $600 ang bayarin ni DJ kada buwan, na ginagamit ni Jess para sa sarili o pang-ipon.

Ayon kay Jess, mas gumaan ang pakiramdam niya dahil may kapalit ang dagdag gawain. Para naman kay DJ, mas gusto niya ito dahil hindi na siya pinapagalitan.

Aniya, nakatulong ito para masundan niya ang mga gawain at maging mas maayos ang kanilang pagsasama.

Read also

Basahin ang artikulo na nilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.

Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Read also

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: