Eroplano, nagpa-ikot-ikot sa ere matapos umanong makatulog ng air traffic controller na naka-duty

Eroplano, nagpa-ikot-ikot sa ere matapos umanong makatulog ng air traffic controller na naka-duty

  • Nalagay sa alanganin ang mga pasahero ng flight mula Paris patungong Corsica matapos makatulog ang air traffic controller
  • Pinilit ang eroplano na umikot sa himpapawid sa ibabaw ng Mediterranean Sea ng halos 18 minuto
  • Natuklasan ng airport fire department na nakatulog sa puwesto ang controller sa control tower
  • Ligtas namang nakalapag ang eroplano matapos magising ang controller, at iniimbestigahan na ang insidente

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Cameron Casey on Pexels
Cameron Casey on Pexels
Source: Original

Naranasan ng mga pasahero ng Air Corsica flight mula Paris Orly airport patungong Ajaccio ang tensyon matapos makatulog ang air traffic controller noong Lunes, Setyembre 15.

Dahil dito, napilitan ang piloto na magpalipad nang paikot-ikot sa himpapawid sa ibabaw ng Mediterranean Sea sa loob ng 18 minuto.

Ayon sa France’s civil aviation authority, natuklasan ng airport fire department na nakatulog sa kanyang puwesto ang controller habang naka-duty sa control tower.

Pagkatapos magising, ligtas namang nakalapag ang eroplano.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sinabi rin ng aviation authority na magsasagawa sila ng imbestigasyon kaugnay sa hindi pangkaraniwang pangyayaring ito.

Read also

Lalaking umano'y tinawag na ‘kabayo’, arestado matapos managa

Bagama’t nagnegatibo sa alcohol test ang controller, posible pa rin siyang maharap sa kaparusahan.

Ang insidenteng ito ay nagdulot ng pag-aalala sa kaligtasan ng mga biyahe at sa kakayahan ng mga tauhan sa airport na gampanan ang kanilang tungkulin nang walang aberya.

Ang air traffic controller ay isang propesyonal na responsable sa ligtas at maayos na paggalaw ng mga eroplano sa himpapawid at sa paliparan.

Sila ang nagbibigay ng gabay sa mga piloto kung kailan maaaring mag-takeoff, lumipad, at lumapag upang maiwasan ang banggaan at siguruhing maayos ang daloy ng trapiko sa himpapawid.

Gumagamit sila ng mga radar, radio communication, at iba pang teknolohiya para subaybayan ang posisyon ng mga eroplano.

Mahalaga rin ang kanilang papel sa pagbibigay ng tamang impormasyon tungkol sa panahon at sitwasyon ng runway.

Dahil dito, malaki ang ambag nila sa kaligtasan ng mga pasahero at crew ng bawat flight.

Basahin ang artikulo na nilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.

Read also

Mga taga-Hagonoy, lumusong sa baha para ipanawagan ang hustisya laban sa korapsyon

Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Read also

Vice Ganda, di napigilang mapamura sa rally: "Hindi ko kayang maging magalang sa kanila"

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: