77-anyos na babae, namatay habang nasa heart surgery matapos mawalan ng kuryente ang hospital

77-anyos na babae, namatay habang nasa heart surgery matapos mawalan ng kuryente ang hospital

  • Isang 77-anyos na babae ang namatay sa gitna ng operasyon sa puso matapos magkaroon ng 10 minutong brownout sa ospital
  • Ang insidente ay nangyari sa Scunthorpe General Hospital sa England noong Setyembre 2020
  • Ayon sa imbestigasyon, posibleng nakaligtas ang pasyente kung hindi nagkaroon ng pagkawala ng kuryente
  • Iniutos ng korte na magsumite ng paliwanag ang mga health agency hinggil sa pangyayari bago mag Agosto 28

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Pixabay on Pexels
Pixabay on Pexels
Source: Original

Isang babae sa England na kinilalang si Jean Dye, 77, ang namatay habang isinasagawa ang kanyang heart surgery matapos magkaroon ng 10 minutong pagkawala ng kuryente sa Scunthorpe General Hospital noong Setyembre 11, 2020.

Batay sa ulat ng UK judiciary na inilabas noong Agosto 13, si Dye ay sumasailalim sa Percutaneous Coronary Intervention o coronary angioplasty upang gamutin ang kanyang sakit sa puso.

Ito ay isang minimally invasive procedure kung saan nililinis at binubuksan ang baradong coronary arteries gamit ang maliit na tubo o stent.

Read also

Driver na pinagmaneho ang anak na naka-kandong, nasampolan ng DOTr

Ayon kay Senior Coroner Paul Smith, may limitadong oras ang mga doktor upang mailagay ang stent, ngunit biglang nawalan ng kuryente sa operating room.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dahil dito, hindi agad naumpisahan ang paglalagay ng stent dahil hindi gumagana ang X-ray imaging.

Nang bumalik ang kuryente, natapos ang procedure ngunit hindi na muling nakarekober si Dye.

Giit ni Smith, sa mataas na posibilidad ay nakaligtas sana ang pasyente kung hindi nagkaroon ng power outage.

Lumabas sa imbestigasyon na nagkaroon ng problema sa Emergency Power Off (EPO) circuit na nagpatigil sa backup power system.

Hindi matukoy ang eksaktong dahilan ng activation, ngunit tiyak na hindi ito manual na pinindot.

Dagdag ni Smith, kung alam agad ng staff ang sanhi at na-reset kaagad ang circuit, maaaring nabawasan ang downtime at mas mataas ang tsansang mailigtas ang pasyente.

Binigyan ng korte ng hanggang Agosto 28 ang mga kaukulang health agency upang magpaliwanag sa insidente at magbigay ng hakbang para hindi na ito maulit.

Read also

Staff ni Sen. Robin Padilla, iniimbestigahan dahil umano sa pagma-mar!juana sa loob ng opisina niya

Basahin ang artikulo na isinulat ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa ulat na ito.

Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.

Read also

Magkapareha na YouTubers, namatay sa isang off-road accident

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: