Nakakalulang trahedya: rides sa festival tumirk; mga pasahero, nabitin patiwarik ng 20 minuto sa ere
- Ilang pasahero ang naiwan na nakabitin patiwarik nang halos 20 minuto matapos masira ang isang thrill ride
- Nangyari ang insidente sa Boardmasters music festival sa Cornwall, England
- Ayon sa organizers, walang nalagay sa panganib at agad na nasuri ang kaligtasan ng ride
- Ang Apollo 13 ride ay umabot sa taas na 180 talampakan at may kapasidad na walong tao
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Source: TikTok
Isang grupo ng tao ang naiwan na nakabitin patiwarik nang halos 20 minuto matapos masira ang isang thrill ride sa Boardmasters music festival sa Cornwall, England noong nakaraang linggo.
Makikita sa isang viral na TikTok video na ang Apollo 13 ride ay nanatili sa patayong posisyon bandang ala-una ng madaling-araw.
Ayon sa tagapagsalita ng festival, pansamantalang nawalan ng kuryente ang ride kaya awtomatiko itong huminto bilang bahagi ng safety system, dahilan para manatiling nakabitin ang hanggang apat na pasahero sa taas.
Ang Apollo 13 ay isang traveling attraction na may taas na humigit-kumulang 180 talampakan at may kabuuang kapasidad na walong tao.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa kabila ng sitwasyon, tiniyak ng organizers na walang nalagay sa panganib at agad na sinuri ang kaligtasan ng ride. Matapos ang full safety check, muling pinatakbo ang ride.
Karaniwang kabilang ang Apollo 13 sa mga tampok ng music at surfing event na dinarayo ng libo-libong tao kada taon.
Wala namang naiulat na nasaktan o nasawi sa insidente.
Ang nasabing ride na unang ipinakilala noong 2024 ay kilala sa pagbabahagi ng proseso ng maintenance sa social media.
Noong Abril, nag-post ito ng detalye ng mga gawaing ginagawa para sa kaligtasan, gaya ng pagtanggal ng lumang grasa, full visual inspection ng mga gears, at pagsisiguro sa tibay ng mga light strips.
Panuorin ang TikTok video dito:
Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh