Lalaki, patay matapos mahulog habang nanunuod ng concert
- Isang lalaki sa edad 40s ang namatay matapos mahulog sa Oasis concert sa Wembley Stadium sa London
- Agad rumesponde ang pulis at mga medics pero idineklarang patay ang biktima sa pinangyarihan
- Nalungkot at nabigla ang magkapatid na Liam at Noel Gallagher sa insidente
- Sa kabila ng trahedya, tuloy pa rin ang concert ng Oasis sa gabing iyon
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Source: Original
Isang lalaki na nasa 40s ang edad ang namatay matapos mahulog habang nanonood ng concert ng Oasis sa Wembley Stadium sa London, ayon sa ulat ng pulisya nitong Linggo.
Ang magkapatid na Liam at Noel Gallagher, na muling nagsama para sa world tour ng kanilang bandang Oasis matapos ang 16 na taong hiwalayan, ay nagsabing sila ay nagulat at labis na nalungkot sa nangyari.
Ayon sa tagapagsalita ng London Metropolitan Police, tinawag sila kasama ang mga medics bandang alas-10 ng gabi matapos makatanggap ng ulat na may nasaktan sa loob ng stadium na puno ng tao.
Nakita nila ang isang lalaki na may sugat na tila dulot ng pagkahulog. Idineklarang patay ito sa mismong lugar ng insidente.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Hinikayat ng pulisya ang mga nakasaksi na makipag-ugnayan sa kanila para sa karagdagang imbestigasyon.
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang pamunuan ng Wembley sa pamilya ng nasawi. Sinabi rin nila na tuloy pa rin ang concert ng Oasis sa gabing iyon.
Ang concert nitong Linggo ang huling pagtatanghal ng Oasis sa London bilang bahagi ng kanilang 41-show reunion tour.
Umabot na sa halos 900,000 ang kabuuang bilang ng mga ticket na nabenta para sa tour na ito.
Sunod na destinasyon ng banda ay Edinburgh bago sila tumungo sa international leg ng tour na magsasama ng mga shows sa United States, Japan, Australia, at Brazil.
Basahin ang artikulo na isinulat ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa ulat na ito.
Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh