Singer na si Jessie J, muling naospital dahil sa infection at fluid sa kanyang lungs
- Muling naospital ang British singer na si Jessie J six weeks matapos ang huli niyang operasyon
- Sa Instagram, ibinahagi ni Jessie J ang kwento na ito na ikinabahala naman ng kanyang mga tagahanga
- Aniya Jessie, "They ran a lot of tests, which ended up showing I have an infection"
- Gayunpaman, mas pinili ni Jessie na magpa-discharge at maging outpatient na lang muna
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Si Jessie J, ang kilalang British singer na sumikat sa mga kantang 'Price Tag' at 'Domino,' ay muling naospital anim na linggo lamang matapos ang kanyang huling operasyon. Sa sunod-sunod na Instagram stories na ibinahagi niya kamakailan, inamin ni Jessie na ang kanyang pagbalik sa ospital ay "not expected or planned" — hindi inaasahan at hindi bahagi ng plano.

Source: Instagram
Bagamat unang pinaghinalaang na siya ay may blood clot, nilinaw ng singer na negatibo siya rito. "I had and still have symptoms that pointed towards a blood clot on the lung. IT IS NOT A BLOOD CLOT, THANK GOD. They ran a lot of tests, which ended up showing I have an infection (still trying to figure out what) and a little fluid on my lungs," ayon sa isa sa kanyang Instagram stories.
Sa kabila ng hirap sa paghinga, pinili ni Jessie na umuwi mula sa ospital upang ipagpatuloy ang gamutan bilang isang outpatient. "Finding it hard to breathe in, but I discharged myself last night (hate being in hospital) and will continue the investigation as an outpatient," dagdag pa nga niya.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ibinahagi rin ni Jessie ang emosyonal na aspeto ng kanyang karanasan, lalo na bilang isang ina.
"I know many people who will have gone through this or similar may agree with me on this or not and that's ok. But I know for me, the true hard journey of this whole thing physically was the day I went into surgery. The recovery physically is far from quick or easy, and mentally it's been the most challenging time for me. Especially as a mum with a toddler and being unable to be the mother I usually am," pagsulat niya sa isa sa kanyang mga Instagram stories nitong buwan.
Maraming tagahanga ang talagang nagpahayag ng suporta at dasal para sa agarang paggaling ni Jessie J. Sa kabila ng kanyang pinagdaraanan, patuloy siyang hinahangaan hindi lamang sa kanyang talento kundi sa kanyang katatagan bilang isang ina at indibidwal sa gitna ng pagsubok.

Source: Instagram

Source: Instagram
Ang mga balita, litrato, o video na pumupukaw ng interes ng mga netizen ay kadalasang nagiging viral sa social media. Ang mga post na ito ay karaniwang umaapela sa emosyon ng mga netizen — at mabilis na nakakapukaw ng malawakang talakayan. Bagama't karamihan sa viral content ay nagtatampok ng mga celebrity o matataas na personalidad, mayroon ding bihira ngunit kapansin-pansing mga pagkakataon na nangyayari ito sa mga ordinaryong indibidwal.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay ibinahagi ni Joe Biden sa isang emosyonal na mensahe sa publiko ang balita tungkol sa kanyang pagkakaroon ng kanser. Nag-post siya ng litrato kasama si Jill Biden at ang kanilang pusa na si Willow, bilang pasasalamat sa mga sumuporta at nagpaabot ng pagmamahal. Ibinahagi ni Biden kung paanong ang kanser ay nakaaapekto sa lahat at nagsalita rin siya tungkol sa paghahanap ng lakas sa gitna ng mahirap na panahon.
Samantalang pumanaw na ang Hawaiian aktor na si David Hekili Kenui Bell, ayon sa kumpirmasyon ng kanyang pamilya. Sa social media ibinahagi ng kanyang half-sister ang masakit na balita at nagbigay-pugay sa alaala ng aktor. Gayunpaman, hindi na niya isinapubliko ang dahilan ng pagkamatay ng kanyang kapatid na ikinalungkot ng marami sa social media. Nitong taon lamang ay lumabas ang aktor sa live-action na pelikula ng Disney na Lilo & Stitch.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh