Abogado ng tinaguriang 'devil surgeon' na hinalay ang halos 300 nitong pasyente, namatay
- Ang abogado ng tinaguriang 'devil surgeon' ay namatay sa kasawiang palad
- Ayon sa artikulo ng PhilSTAR Life at batay na rin sa tagausig, pinaniniwalaang tinapos niya ang sarili niyang buhay
- Ang French surgeon na si Joel Le Scouarnec, 74-anyos, ay umamin sa kalagitnaan ng kanyang paglilitis na seksuwal niyang inabuso o hinalay ay 298 niyang pasyente mula 1989 hanggang 2014; karamihan dito ay mga bata
- Si Maxime Tessier, 34-anyos, ang tumayong abogado ni Le Scouarnec na pinarusahan ng 20 taon na pagkakakulong
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Source: Original
"Everything points to suicide," ani Frederic Teillet, ang chief prosecutor sa western French city ng Rennes.
Dagdag pa niya, isang imbestigasyon na ang sinimulan patungkol sa pagkamatay ni Tessier.
Si Tessier ay ama sa dalawa niyang anak at ang nasabing abogado "had a very high regard for justice and was therefore very demanding towards himself," ani Catherine Glon, ang kasama ni Tessier.
Isa siya sa dalawang abogado na nagtatanggol kay Le Scouarnec, isa sa mga kinikilalang pinakakilalang sex predator sa kasaysayan ng kriminalidad sa France.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ayon sa mga tagapagtanggol ng karapatan ng mga bata, ang kasong ito ay naglantad ng mga sistematikong pagkukulang na nagbigay-daan kay Le Scouarnec upang paulit-ulit na makagawa ng krimeng sekswal.
Tinawag ng isang piskal sa kaso ang dating doktor bilang, "the devil... dressed in a white coat."
Inabuso niya ang maraming biktima habang sila ay nasa ilalim ng anesthesia o bagong gising matapos ang operasyon.
Basahin ang kabuuan ng balitang ito sa artikulo na isinulat ng PhilSTAR Life.
Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh