Reality TV star, inakusahang pumatay umano at nag-chop-chop sa nobyo; ulo ng biktima, hinahanap pa
- Isang babaeng sumikat nuon mula sa isang reality TV show na si Tamika Chesser ang inakusahang pumatay at nag-cho-chop sa kanyang nobyo
- Ayon sa ulat ng PhilSTAR Life, si Chesser ay kinasuhan na ng murder matapos matagpuang patay ang kanyang nobyo
- Dagdag pa sa ulat, kasalukuyan pa ring pinaghahahanap ng mga awtoridad ang nawawalang ulo ng biktima na si Julian Story
- Ayon sa mga imbestigador, pinaniniwalaang pinatay si Story nuong hatng-gabi ng Hunyo 17
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Source: Original
Isang babae na dating sumikat sa isang reality TV show, si Tamika Chesser, ang inakusahang pumatay at pinaghihinalaang tinadtad ang katawan ng kanyang nobyo.
Ayon sa ulat ng PhilSTAR Life, nahaharap na si Chesser sa kasong murder matapos matagpuang patay ang kanyang nobyong si Julian Story.
Dagdag pa sa ulat, patuloy pa rin ang paghahanap ng mga awtoridad sa nawawalang ulo ni Story.
Base sa imbestigasyon, pinaniniwalaang naganap ang pagpatay noong hatinggabi ng Hunyo 17.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ayon sa isang salaysay ng South Australia Police, so Story ay natagpuang wala nang buhay sa loob ng kanilang bahay sa Flinders Highway, Port Lincoln nuong Hunyo 19.
Dagdag pa nila, ang katawan ni Story ay "severely burnt and d!sfigured" sa loob ng kanilang banyo.
"It was a confronting scene for police and emergency services personnel as Julian’s body had been dismembered," sabi ng mga awtoridad. "Julian’s head had been removed during the dismemberment and, despite extensive searches, has not yet been located."
Basahin ang ulat ng PhilSTAR Life dito.
Ang mga balita, larawan, o video na pumupukaw ng interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media dahil sa atensyong ibinibigay ng mga tao. Ang mga viral post na ito ay karaniwang tumatama sa emosyon ng netizens, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga ordinaryong tao, kaya naman madali silang nakaka-relate.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at napatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Sa kuha ng CCTV, tatlong lalaki ang pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang isang bag at cellphone ng biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng 'Frontline Pilipinas' ng TV5, nagsimulang makatanggap ng mga banta ang pamilya matapos silang magpautang ng P1 milyon sa isang residente ng kanilang barangay, umano'y para sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na balita, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng kanyang sariling asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa 'Unang Balita,' naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga awtoridad, may security guard naman ang paaralan, ngunit dahil pamilyar ang suspek sa mga tao roon, madali siyang nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na nais lang niyang kausapin ang kanyang asawa upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh