GF ng yumaong si Liam Payne, may nakakadurog-puso na post: "One day, I'll see you again"
- Inalala kamakailan lang ni Kate Cassidy ang yumao niyang nobyo na si Liam Payne
- Matatandaang pumanaw noong October 2024 ang British singer sa isang hotel sa Argentina
- Sa Instagram ay nagsulat si Kate ng nakakadurog-puso na mensahe tungkol sa singer
- Ani pa nga ni Kate sa kanyang viral online post, "8 months ago today, I lost my best friend"
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Inalala ni Kate Cassidy ang kanyang yumaong nobyo na si Liam Payne sa pamamagitan ng isang masakit at emosyonal na mensahe sa kanyang Instagram account ngayong Tuesday, June 17.

Source: Instagram
Sa kanyang post, ibinahagi ni Kate ang ilang mga larawan ni Liam — mga alaala na puno ng pagmamahalan — kasama na ang isang screenshot ng sweet texts mula sa English singer.
"8 months ago today, I lost my best friend and someone I thought I had so much more time and life left to share with," panimula ni Kate sa kanyang mensahe. Ayon sa girlfriend ng singer, si Liam ay isa sa mga taong agad mong mami-miss at gustong makita pagkatapos mong umalis ng bahay.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"Liam was the kind of person you'd start missing the moment you walked out the door. Even when leaving the house for a few hours, I'd find myself rushing home to be with him again out of excitement. Now, facing the reality that I live in a constant state of missing you is something I still can't fully wrap my head around," dagdag pa niya sa kanyang viral post sa photo-sharing app.
Hindi rin itinago ni Kate ang sakit ng pagkakawalay sa singer, "Knowing I can't just come home and see you, hear your voice, or feel your hug. It's a type of pain I can't fully put into words. I can't seem to tell if life is flying by without you or moving so slow none of it fully makes sense."
Sa pagtatapos ng kanyang post, sinabi ni Kate na kahit masakit, pinipilit niyang mabuhay para kay Liam, "But I am trying to live my life as best I can for now and live it for you. I miss you more than words can say. One day, I'll see you again, and I'll have so much to tell you. So much to catch up on. I love you my angel."
Swipe left para makita ang iba pang photos:
Si Liam Payne ay isang British singer-songwriter na ipinanganak sa England. Sumikat siya bilang miyembro ng One Direction, isang boyband na nabuo mula sa The X Factor kasama sina Harry Styles, Niall Horan, Zayn Malik, at Louis Tomlinson. Naging isa sa pinakasikat sa buong mundo ang 1D bago sila mag-hiatus noong 2016. Pagkatapos nito, nagpatuloy si Liam sa kanyang solo career. Sa kasamaang palad, pumanaw naman ang British singer noong 2024 sa edad na 31.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay pumanaw na ang Hawaiian actor na si David Hekili Kenui Bell, kinumpirma ng kanyang pamilya nito lamang. Sa social media, inihayag ng kanyang half-sister ang nakalulungkot na balita at nagbigay-pugay sa alaala nito. Kamakailan lamang ay lumabas pa nga ang aktor sa live-action na pelikula ng Disney na 'Lilo & Stitch.'
Samantalang, pumanaw din si Anna Grace Phelan, isang teen TikTok star, sa edad na 19. Ayon sa kanyang obituary, sumakabilang-buhay ang influencer mula Georgia noong Friday, May 23. Kinumpirma rin ng kanyang pamilya ang nakalulungkot na balita sa pamamagitan ng kanyang TikTok account. Si Phelan, na may mahigit 150,000 followers at 2.3 milyong likes sa nasabing video-sharing app, ay nagdokumento ng kanyang laban sa terminal cancer.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh