Dating Miss Ukraine na si Anastasiia Lenna, umalma sa mga negatibong komento
- Sa kanyang ibinahaging mga pictures kamakailan, naging usap-usapan ang dating Miss Ukraine na si Anastasiia Lenna
- Gayunpaman, mayroong mangilan-ngilan na hindi positibo ang naging reaksiyon sa kanyang pag-post
- Nilinaw ng beauty queen na hindi siya sumali sa military kagaya sa mga lumabas na balita ngunit ang kanyang post ay para umano ipakita na ang mga babae sa kanilang bansa ay "strong, confident and powerful"
- Nilinaw niya rin na isa siyang airsoft player at lahat ng kanyang post sa kanyang profile ay para umano maging inspirasyon sa mga tao
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Marami man ang bumilib sa pinakitang tapang at paninindigan ng beauty queen na si Anastasiia Lenna, may iilan pa ring hindi natuwa sa kanyang pag-post ng kanyang picture kung saan naka-airsoft attire siya.
May iilang netizens na hindi maganda ang pagtanggap dito kaya naman sa isang post ay nilinaw ng beauty queen na hindi siya sumali sa military kagaya sa mga lumabas na bali-balita. Aniya, kanyang post ay para umano ipakita na ang mga babae sa kanilang bansa ay "strong, confident and powerful.'
Nilinaw niya rin na isa siyang airsoft player at lahat ng kanyang post sa kanyang profile ay para umano maging inspirasyon sa mga tao.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Due [to] current situation I want to talk! I am not a military, just a woman, just normal human. Just a person, like all people of my country. I am also a airsoft player for years. You can Google what #airsoft means.
Humiling din siya ng suporta mula sa mga tao.
I speak to all people of the World! Stop war in Ukraine! No people should die! We can stop all this together. Share information about situation. Ask @nato to close sky! Help us Ukrainian people to stop Russian aggression.
Matatandaang nabalot ng pangamba ang lahat matapos ang paglabas ng balitang nagsimula na ang paglusob ng Russia sa Ukraine. Matatandaang nitong Huwebes ay nagsimulang nabalot ng tensiyon ang naturang bansa matapos ang pag-atake mula sa Russia.
Marami sa mga Pinoy ang nagtatrabaho sa ibang bansa bilang Overseas Filipino Workers. Kaya naman, may mga Pinoy na apektado ng kasalukuyang kaguluhan sa naturang bansa.
Source: KAMI.com.gh