Sikat na babaeng content creator, natagpuang patay sa loob ng kanyang apartment

Sikat na babaeng content creator, natagpuang patay sa loob ng kanyang apartment

  • Pumanaw ang Indonesian content creator na si Lula Lahfah sa edad na 26 taong gulang
  • Natagpuan ang influencer na wala nang buhay sa kanyang apartment sa South Jakarta noong Enero 23
  • Hindi pa inilalabas ang sanhi ng kanyang pagkamatay at patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad
  • Kinansela ng pop group na Weird Genius ang kanilang nakatakdang performance matapos lumabas ang balita

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Lula Lahfah/@lulalahfah on Instagram
Lula Lahfah/@lulalahfah on Instagram
Source: Instagram

Pumanaw na ang kilalang Indonesian content creator na si Lula Lahfah. Siya ay 26 taong gulang sa oras ng kanyang pagkamatay.

Ayon sa ulat ng CNN Indonesia, sinabi ni Metro Jaya Police Head of Public Relations Kombes Budi Hermanto na natagpuan si Lahfah na patay sa kanyang apartment sa lugar ng Dharmawangsa sa South Jakarta noong Biyernes, Enero 23.

Hindi pa tinukoy ng mga awtoridad ang sanhi ng kanyang pagkamatay. Patuloy pa rin ang kanilang imbestigasyon upang matukoy ang buong detalye ng insidente.

Batay sa ulat, may ilang isyu umano sa kalusugan si Lahfah bago ang kanyang pagpanaw. Makikita sa isang TikTok video na naospital siya noong New Year dahil sa pisikal na hindi magandang pakiramdam. Aktibo pa rin siya sa social media hanggang Enero 21.

Read also

51-anyos na lalaki, inaresto matapos umanong hipuan ang 7-anyos na babaeng kapitbahay

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matapos lumabas ang balita, kinansela ng Indonesian pop group na Weird Genius ang kanilang performance noong Enero 23. Kasama sa grupo ang boyfriend ni Lahfah na si Reza Oktovian.

Ipinaalam ng grupo sa isang Instagram post na hindi sila makakapagtanghal sa naturang event dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Humingi rin sila ng paumanhin sa mga naapektuhan ng biglaang desisyon.

Naging popular si Lula Lahfah dahil sa kanyang lifestyle content sa social media. Mayroon siyang humigit-kumulang 2.8 million followers sa Instagram at 1.1 million followers sa TikTok.

Ang pagiging content creator ay tumutukoy sa isang tao na gumagawa at nagbabahagi ng mga nilalaman tulad ng mga video, larawan, o kuwento sa social media at online platforms. Karaniwan, layunin nito ang magbigay ng aliw, impormasyon, o inspirasyon sa mga manonood o mambabasa.

Gumagamit ang isang content creator ng sariling ideya at karanasan upang makabuo ng nilalaman na madaling maunawaan at relatable sa iba. Sa paglipas ng panahon, nakakabuo sila ng sariling audience na sumusubaybay at sumusuporta sa kanilang ginagawa online.

Read also

Vlogger at 3 nitong kasama, hinoldap ng 10 lalaki; milyones, natangay

Basahin ang naisulat na balita ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang mga detalye tungkol sa ulat na ito:

Sa naunang lokal na artikulo a nilathala ng KAMI, isang bagong silang na sanggol na lalaki ang natagpuang iniwan sa bubungan ng isang bahay sa Cagayan de Oro City. Nadiskubre ang sanggol matapos marinig ang kaniyang iyak bandang hatinggabi sa Barangay Canitoan. Dinala agad sa ospital ang sanggol at sinabing nasa maayos na kondisyon na siya. Sinimulan na ng barangay council ang imbestigasyon para matukoy kung sino ang nag-iwan sa sanggol.

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na lalaki ang nakulong matapos akusahan ng panghihipo sa pitong-taong-gulang na kapitbahay sa Marikina. Nangyari ang insidente halos dalawang taon na ang nakalipas, ayon sa ulat ng pulisya. Nadakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest at hindi na pumalag sa pag-aresto. Nahaharap ang akusado sa kasong acts of lasciviousness habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: