Bilang ng mga namatay sa malagim na sunog sa Hong Kong, umabot na sa 94

Bilang ng mga namatay sa malagim na sunog sa Hong Kong, umabot na sa 94

  • Tumaas ang bilang ng mga namatay sa malagim na sunog sa Hong Kong at umabot na sa 94
  • Patuloy ang paghahanap sa mga nawawala sa tinupok na mga gusali
  • Sinisilip ng mga awtoridad kung may pagkukulang sa renovation at scaffolding
  • Tuloy ang tulong sa mga biktima at pansamantalang tirahan para sa mga naapektuhan

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Jen Cerezo on Facebook
Jen Cerezo on Facebook
Source: Facebook

Tumaas sa hindi bababa sa 94 ang nasawi sa pinakamalalang sunog sa Hong Kong sa loob ng maraming dekada.

Halos naapula na ang apoy matapos ang mahigit isang araw, at nakapokus ngayon ang mga rescuer sa paghahanap sa mga taong hindi pa rin makita.

Sinabi ng mga awtoridad na kumalat ang apoy sa apat na yunit ng malaking apartment complex na may halos 2,000 tirahan.

May 76 na nasugatan, kabilang ang 11 bombero, habang marami pa rin ang hindi natutukoy ang kalagayan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Mahina na ang apoy sa W@ng Fuk Court ngunit may usok at apoy pa rin na paminsan-minsang lumalabas.

Read also

Sikat na YouTuber, hindi inaasahang biglang namatay sa edad na 27

Patuloy na binabasa ng mga bombero ang gusali para mapababa ang init at maiwasan ang muling pagliyab.

Sinimulan na rin ang imbestigasyon kung paano nagsimula ang sunog, kabilang ang posibleng problema sa bamboo scaffolding at plastic mesh sa renovation. Inaresto ng pulis ang tatlong lalaki dahil sa umano’y pagpapabaya.

May mga residente na nagsabing walang tumunog na fire alarm kaya kinailangan nilang mag-ikot at kumatok sa mga pinto para balaan ang kapitbahay.

Isa sa mga nasawi ay isang 37-anyos na bombero, at dalawa naman ang Indonesian domestic workers.

Posibleng tumaas pa ang bilang ng mga biktima dahil daan-daang residente ang napaulat na nawawala.

May ilang nakaligtas na nasa kritikal na lagay.

Nagpakita ng mga larawan ng mga bangkay ang pulisya sa mga naghahanap ng kaanak para sa pagkilala.

Naglatag ng tulong ang Hong Kong government, kabilang ang HK$300 milyon na pondo at siyam na evacuation centers.

Nag-organisa rin ang mga residente ng sarili nilang relief efforts para sa mga nawalan ng tirahan at mga tumutulong na bombero.

Read also

Persons of interest sa pamamaril sa kapitan ng Tres de Mayo, natukoy na ng awtoridad

Basahin ang artikulo na nilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: