65-anyos na babaeng ike-cremate na sana, biglang nabuhay

65-anyos na babaeng ike-cremate na sana, biglang nabuhay

• Babaeng dinala para cremation sa Thailand, natuklasang buhay matapos mapansin ang paggalaw sa loob ng kabaong

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

• Nagulat ang staff ng templo nang marinig ang mahinang katok at makita siyang dumidilat at gumagalaw

• Dinala siya ng kayang pamilya para sa cremation matapos sabihing patay siya at matapos mailabas ang mga dokumento

• Ang babae ngayon ay nagpapagamot sa ospital dahil sa matinding low blood sugar at tinutulungan ng templo sa gastos

Pavel Danilyuk on Pexels
Pavel Danilyuk on Pexels
Source: Original

Isang 65-anyos na babae sa Thailand ang natagpuang buhay kahit nakahanda na para cremation, matapos mapansin ng staff ng templo na may kumikilos sa loob ng kabaong.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ayon sa ulat ng Associated Press, dinala siya ng kapatid mula Phitsanulok papuntang Wat Rat Prakhong Tham sa Nonthaburi para sa cremation ritual.

Nagulat si Pairat Soodthoop, tagapamahala ng templo, nang makarinig siya ng mahinang katok mula sa kabaong.

Pagbukas ng mga staff, nakita nilang bahagya itong gumagalaw at dumidilat.

Read also

Harry Roque seeks prayers after passport cancellation order

Sa livestream ng templo, makikitang nakahiga ang babae sa puting kabaong sa likod ng pickup truck.

Kinumpirma ng staff na gumagalaw ang braso at ulo niya. Ayon sa kapatid, bedridden na siya sa loob ng dalawang taon at tumigil umano sa paghinga nang dalawang araw.

Sinabihan silang patay na siya at na-issuehan pa ng mga dokumento, kaya inilagay na siya sa kabaong at dinala sa templo.

Sinubukan ng kapatid na dalhin siya sa ospital dahil hiling daw ng babae na mag-donate ng organs, pero tinanggihan sila dahil walang death certificate.

Nagpunta sila sa templo para sa libreng cremation, pero hindi rin tinanggap dahil sa parehong dahilan. Sinabi ni Soodthoop na sasagutin ng templo ang lahat ng gastusin sa ospital.

Ayon sa doctor, wala siyang palatandaan ng cardiac arrest o respiratory failure, ngunit mayroon siyang matinding hypoglycemia o mababang blood sugar.

Nasa maayos na pangangalaga na siya ngayon at patuloy na inoobserbahan.

Basahin ang artikulo na nilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.

Read also

Babae sugatan matapos saksakin ng mister gamit ang tari ng panabong

Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: