Batang lalaki, sugatan matapos atakihin ng nakawalang leon na alaga sa bahay

Batang lalaki, sugatan matapos atakihin ng nakawalang leon na alaga sa bahay

  • Isang batang lalaki ang inatake ng leong alaga sa Thailand at ngayon ay nasa ospital
  • Ang leon ay tumakas mula sa bahay ng may-ari habang inaayos ang kulungan nito
  • May-ari ng leon kakasuhan at maaaring makulong ng anim na buwan at pagmultahin ng ₱89,000
  • Ayon sa mga eksperto, delikado para sa tao at hayop ang pag-aalaga ng mga ganitong uri ng hayop
Petr Ganaj on Pexels
Petr Ganaj on Pexels
Source: Original

Isang batang lalaki ang nagtamo ng mga sugat matapos atakihin ng leong alaga sa isang pribadong bahay sa Kanchanaburi, Thailand nitong Sabado ng gabi, Oktubre 4.

Ayon sa ulat ng wildlife department, naglalakad umano ang bata sa kalsada pauwi nang biglang sumalakay ang leon.

Batay sa lokal na media, galing pa sa paglalaro ang bata kasama ang mga kaibigan bago ito inatake ng hayop.

Dinala siya sa ospital para gamutin ang kanyang mga sugat.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Legal sa Thailand ang pag-aalaga ng leon, at dumarami ang bilang ng mga ito sa mga zoo, breeding farm, at maging sa mga tahanan.

Read also

Isabelle Daza, ipinakita ang laging tinatanong sa kanya ng anak niyang si Esmeralda Gloria

Gayunman, babala ng mga eksperto, maaaring magdulot ito ng panganib sa mga tao at hayop, at posibleng konektado sa ilegal na bentahan ng wildlife.

Kinilala ang may-ari ng leon bilang si Parinya. Nahaharap siya ngayon sa kasong paglabag sa wildlife protection laws.

Maaaring makulong siya ng hanggang anim na buwan at pagmultahin ng 50,000 baht o humigit-kumulang ₱89,000.

Ayon kay Parinya, hindi niya inaasahan ang insidente. Ipinaliwanag niyang tinanggal ang leon sa kulungan habang nire-renovate ito, kaya ito nakatakas.

Humingi siya ng paumanhin at nangakong sasagutin ang gastusin sa pagpapagamot ng bata.

Kinuha na ng mga awtoridad ang leon at inilipat ito sa isang wildlife breeding center.

Nagpaalala naman ang wildlife department sa mga nag-aalaga ng mababangis na hayop na laging may panganib ang ganitong uri ng alaga at maaaring maparusahan ang sinumang magdulot ng pinsala sa iba.

Basahin ang artikulo na nilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.

Read also

45 patay sa pagguho ng Islamic school sa Java, Indonesia; search and rescue patuloy

Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Read also

Manager ng rapper na may nakitang nabubulok na bangkay sa kanyang kotse, nagsalita na

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: