Sikat na lalaking influencer, namatay habang naka-livestream

Sikat na lalaking influencer, namatay habang naka-livestream

  • Chinese influencer Tang Feiji namatay habang nagla-livestream ng kanyang lipad gamit ang maliit na aircraft
  • Ultralight aircraft bumagsak at sumabog matapos mawalan ng kontrol sa ere
  • Wala siyang suot na helmet o parachute nang maganap ang insidente
  • Mga viewers nanood nang live at nanawagan ng tulong ngunit binawian siya ng buhay sa lugar ng aksidente
cottonbro studio on Pexels
cottonbro studio on Pexels
Source: Original

Isang influencer mula China ang namatay habang nagla-livestream ng kanyang paglipad gamit ang single-seat ultralight aircraft na kalauna’y bumagsak at sumabog.

Kinilala ang content creator na si Tang Feiji, na may halos 100,000 followers sa Douyin, ang Chinese version ng TikTok.

Makikitang naka-buckle siya sa kanyang twin-rotor aircraft na may bigat na 250 pounds at lumipad mula Jiange County sa central China.

Sandali pa siyang nag-landing upang ayusin ang kanyang camera bago muling lumipad.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Habang nasa ere, nawala umano sa kontrol ang aircraft at biglang sumubsob. Ayon sa ulat ng PEOPLE Magazine, bumagsak ito at agad na nagliyab.

Read also

Ellen Adarna, nagbigay pahayag kaugnay sa mga chismis ng hiwalayan at yaman

Wala siyang suot na helmet o parachute nang maganap ang trahedya.

Daan-daang manonood ang nakasaksi nang live habang bumagsak ang aircraft. Ang chat section napuno ng panawagang iligtas siya at tawagin ang emergency services.

Gayunman, ayon sa The Economic Times, dead on the spot si Feiji dahil sa impact at sunog na sumiklab sa aircraft.

Mula nang mangyari ang insidente, isinara ang kanyang social media account habang iniimbestigahan ang aksidente.

Nabili umano ang aircraft noong 2024. Sa kanyang mga nakaraang post, sinabi ni Feiji na kaya nitong lumipad hanggang 2,000 feet at umabot ng higit 96 kph.

Dagdag pa niya, anim na oras lang ng ensayo ang ginugol para matutunan ang controls.

Ayon pa sa PEOPLE, umamin si Feiji na dalawang beses nagka-problema ang fuel gauge ng aircraft noong 2024, dahilan upang bumagsak ito ng halos 30 feet sa dalawang pagkakataon.

Basahin ang artikulo na nilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.

Read also

Gladys Reyes, humingi ng paumanhin sa mga naka-eksenang guard sa 'Cruz vs Cruz'

Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Read also

Rocco Nacino, hindi napigilan ang inis sa finger heart ni Sarah Discaya sa DOJ

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: