11-anyos na estudyante, sinugod sa hospital matapos gumawa ng homework sa loob ng diretsong 14 oras
- Isang 11-anyos na bata sa China ang dinala sa ospital matapos makaranas ng “chicken claw hands,” pamamanhid ng katawan, at hirap sa paghinga
- Buong araw siyang nag-aral mula 8 a.m. hanggang 10 p.m. nang walang pahinga, dahilan para magka-problema sa paghinga
- Ayon sa mga doktor, hyperventilation ang dahilan ng kanyang kondisyon na dulot ng matinding presyon at pag-aalala
- Higit 30 kabataan ang na-admit sa parehong ospital ngayong Agosto dahil sa halos kaparehong sintomas
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!

Source: Original
Isang batang lalaki na si Liangliang mula Changsha, Hunan Province, ay biglang dinala sa ospital matapos mag-aral ng mahigit 14 na oras nang walang pahinga.
Nangyari ito noong Agosto 26, habang humahabol siya sa kanyang summer schoolwork.
Pagdating ng gabi, nakaramdam siya ng pagkahilo, sakit ng ulo, pamamanhid ng kamay at paa, at mabilis na paghinga.
Dahil sa presyon ng kanyang mga magulang tungkol sa homework, lalo siyang ninerbiyos.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Agad siyang isinugod sa ospital kung saan kinilala ng mga doktor na may respiratory condition siya dahil sa hyperventilation.
Nilagyan siya ng breathing mask at tinuruan ng tamang paraan ng paghinga. Unti-unti ring bumuti ang kanyang lagay.
Ayon sa mga eksperto, nangyayari ang hyperventilation kapag mabilis at malalim ang paghinga na nagdudulot ng imbalance sa oxygen at carbon dioxide sa katawan.
Dahil dito, nakakaranas ang pasyente ng hirap sa paghinga, paninigas ng kalamnan, at tila “chicken claw” na anyo ng kamay.
Hindi nag-iisa si Liangliang sa karanasang ito. Ayon sa Changsha Central Hospital, mahigit 30 kabataan ang na-admit ngayong Agosto dahil sa parehong sintomas, sampung beses na mas marami kumpara sa ibang buwan.
Karaniwan sa China ang matinding presyon sa pag-aaral.
Kahit bakasyon, marami pa ring estudyante ang patuloy na nag-aaral dahil sa kagustuhan ng mga magulang na makuha ng anak ang pinakamataas na marka.
Ayon kay Dr. Zhang Xiaofo, ang emosyonal na pagkabalisa ang pangunahing trigger ng hyperventilation at maaari pa itong maging delikado.
Bilang pag-iwas, payo ng mga eksperto ang pursed lip breathing, tamang posisyon ng katawan, at regular na pag-relax upang bumalik sa normal ang paghinga.

Read also
Kara David, may malupit na birthday wish para sa mga kurakot ngayong ika-52 niyang kaarawan
Basahin ang artikulo na nilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.
Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Read also
Lalaking ililibing na sana, binalik sa hospital matapos ang isang hindi kapani-paniwalang pangyayari
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh