Sikat na babaeng beauty influencer, pumanaw sa edad na 36
- Pumanaw na ang sikat na babaneg beauty influencer na si Liz Lin Ruoyu sa edad na 36
- Kumpirmado ang balita ng kanyang asawa sa isang Instagram post kamakailan lang
- Gayunpaman, hindi naman tinukoy ang sanhi ng kanyang pagkamatay
- Mananatiling bukas ang IG page ni Liz bilang alaala sa kanya
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!

Source: Instagram
Pumanaw ang Taiwanese beauty influencer na si Liz Lin Ruoyu sa edad na 36.
Kinumpirma ito ng kanyang asawa sa pamamagitan ng isang Instagram post kung saan ibinahagi niya ang video compilation ng kanilang mga alaala.
Ayon sa kanya, bagama’t tahimik nang lumisan si Liz, mananatili ang ganda at pagmamahal na iniwan nito.
Hindi tinukoy ang sanhi ng kanyang pagkamatay. Inilarawan siya ng asawa bilang isang babaeng may ngiti, liwanag, at pagmamahal.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Mahilig daw si Liz sa mga bagong bagay at may malambot na puso para sa mga hayop.
Kilala rin siya sa kakaibang panlasa at malikhaing ideya na nagbibigay ng ganda at inspirasyon sa mundo.
Binigyang-diin pa ng kanyang asawa na hindi kailanman itinuring ni Liz ang sarili bilang isang KOL o key opinion leader, kundi bilang isang kaibigan sa lahat. Sinikap daw niyang sagutin ang bawat mensahe dahil tunay siyang nagmamalasakit at nagpapasalamat sa lahat ng sumuporta sa kanya.
Tiniyak din ng asawa ni Liz na hindi isasara ang kanyang Instagram account upang magsilbing lugar kung saan maaalala siya ng mga tagahanga.
Nagpasalamat siya sa lahat ng nagmahal at sumama sa kanilang journey, at naniniwala siyang masaya at malaya na si Liz sa kabilang buhay.
Si Liz ay kilala sa pagbabahagi ng beauty at lifestyle content sa kanyang Instagram na may higit sa 144,000 followers.
Basahin ang artikulo na isinulat ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa ulat na ito.
Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Read also
Jessie J, balik ospital matapos magkaroon ng impeksyon makalipas ang kanyang cancer surgery
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh