Lalaki, patay pagkatapos uminom ng beer sa isang buwan na walang kain
- Isang 44-anyos na lalaki mula Rayong, Thailand ang namatay matapos umano siyang mabuhay sa pag-inom lamang ng beer sa loob ng isang buwan nang hindi kumakain ng solidong pagkain
- Ibinunyag ng kanyang 16-anyos na anak na si Thaweesak Namwongsa ay tumangging kumain sa kabila ng araw-araw na paghahain sa kanya ng pagkain, at piniling uminom na lamang ng beer
- Naniniwala ang mga awtoridad na ang kombinasyon ng matinding malnutrisyon at labis na pag-inom ng alak ang naging sanhi ng kanyang pagkamatay, kung saan natagpuan ang kanyang katawan na napapalibutan ng mga basyong bote ng beer
- Nagbabala ang mga eksperto sa kalusugan tungkol sa panganib ng pagdepende sa alak, at nanawagan sa publiko na humingi ng propesyonal na tulong para sa mga may suliranin sa pag-abuso ng alak
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Pumanaw si Thaweesak Namwongsa, 44-anyos, matapos umano niyang uminom lamang ng mga inuming may alkohol sa loob ng isang buwan nang hindi kumakain ng kahit anong pagkain.

Source: Facebook
Natagpuan siyang wala nang buhay sa loob ng kanilang tahanan ng mga lokal na rescuers sa Thailand.
Ayon sa ulat, hiwalay sa asawa si Thaweesak at nakatira kasama ang kanyang 16-anyos na anak.
Sa salaysay ng binatilyo, araw-araw niyang ipinagluluto ang kanyang ama bago pumasok sa paaralan ngunit hindi ito kumakain.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
“Nilulutuan ko siya bago ako pumasok sa eskwela, pero hindi niya kinakain,” ani ng anak.
Noong araw ng insidente, pag-uwi niya ay nadatnan niya ang ama na nagkaka-seizure, at nagkalat ang mga basyong bote ng beer sa paligid.
Paliwanag ng mga eksperto, bagama’t may calories ang beer, wala itong sapat na sustansya para suportahan ang pangangailangan ng katawan.
Ang pagdepende sa alak bilang pangunahing pagkain ay maaaring magdulot ng matinding kakulangan sa nutrisyon, electrolyte imbalance, at seryosong pinsala sa mga organo tulad ng atay.
Pinaniniwalaan ng mga awtoridad na ang matagalang pag-inom ng alak at matinding malnutrisyon ang naging sanhi ng pagkamatay ni Thaweesak.
Ang insidente ay nagdulot ng pag-aalala sa internet, na muling nagbigay-diin sa panganib ng alcohol dependency at kahalagahan ng wastong nutrisyon.
Ang insidenteng ito ay dagdag sa tumataas na bilang ng mga pagkamatay na may kaugnayan sa alak sa Thailand, lalo na sa mga taong dumaranas ng emosyonal at pinansyal na paghihirap.
Nanawagan ang mga eksperto sa publiko na huwag mag-atubiling humingi ng tulong para sa alcohol abuse at maging mapagmatyag sa mga kapamilyang nagpapakita ng senyales ng alcohol dependency.
Ang mga balita, larawan, o video na pumupukaw ng interes ng mga netizen ay kadalasang nagiging viral sa social media dahil sa atensyong ibinubuhos ng publiko. Karaniwan, ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay puwedeng sumikat dahil dito, dahilan upang maging relatable sila sa marami.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, si Josh Mojica, may-ari at CEO ng Kangkong Chips Original, ay naharap sa batikos matapos mag-viral ang kanyang video. Sa Facebook video na in-upload niya noong Hulyo 2, makikitang nagmamaneho siya sa EDSA sakay ng kanyang sports car habang hawak ang kanyang cellphone at kinukuhanan ng video ang sarili, ang sasakyan, at ang kalsada.
Bukod pa rito, naglabas din ng show cause order ang LTO laban kay “Yanna,” isang motorcycle vlogger. Ito ay kaugnay ng viral road rage video kung saan siya at isang pickup driver ay nagkaroon ng sagupaan habang nagmamaneho sa baku-bakong daan sa Zambales. Matatandaang naglabas na si Yanna ng pampublikong paghingi ng tawad sa isang Facebook video.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh