37 katao patay mula sa tumaob na bangka; 5 iba pa nawawala

37 katao patay mula sa tumaob na bangka; 5 iba pa nawawala

  • 37 katao ang nasawi matapos tumaob ang isang tourist boat sa Ha Long Bay, Vietnam
  • Limang pasahero pa rin ang pinaghahanap habang tuloy ang rescue operations
  • Karamihan sa sakay ng bangka ay mga pamilyang galing sa Hanoi, kabilang ang mahigit 20 bata
  • Inutusan ng Prime Minister ang agarang imbestigasyon sa paglubog ng bangka na may lulan na 48 na pasahero at 5 crew

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

PhilSTAR Life courtesy of Vietnam News Agency/AFP
PhilSTAR Life courtesy of Vietnam News Agency/AFP
Source: Original

Patuloy na nagsasagawa ng search and rescue ang mga awtoridad sa Vietnam para sa limang nawawalang pasahero matapos tumaob ang isang tourist boat na ikinasawi ng 37 katao sa Ha Long Bay nitong Sabado.

Ayon sa VNExpress, ang bangkang "Wonder Sea" na may sakay na 48 pasahero at limang crew ay inabutan ng biglaang malakas na ulan at bagyo habang naglalayag, dahilan para ito'y tumaob.

Karamihan sa mga sakay ay mga pamilyang galing Hanoi, kabilang ang mahigit dalawampung bata.

Sa kabuuan, 11 ang nailigtas at 34 na bangkay ang nakuha bago maggabi ng Sabado, habang tatlong katawan ng crew ang natagpuan sa loob ng cabin kinabukasan.

Read also

Naaagnas na bangkay ng lalaki, natagpuan sa loob ng bahay na balak sanang bilhin ng isang homebuyer

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ayon sa isang batang lalaki na nakaligtas, “I took a deep breath, swam through a gap, dived then swam up, I even shouted for help, then I was pulled up by a boat with soldiers on.”

Nagpaabot ng pakikiramay si Prime Minister Pham Minh Chinh sa mga naulila at iniutos niya ang mabilisang imbestigasyon sa insidente.

Isang residente sa Ha Long Bay, si Tran Trong Hung, ay nagsabing "The sky turned dark at around 2:00 p.m." kasunod ang "hailstones as big as toes with torrential rain, thunderstorm and lightning".

Ang malalakas na pag-ulan ay tumama rin sa mga kalapit na probinsya gaya ng Hanoi, Thai Nguyen, at Bac Ninh.

Ayon sa mga eksperto sa panahon, hindi dulot ng bagyong Wipha ang pag-ulan kundi bunga ito ng matinding init sa mga nakaraang araw, na umabot sa 37°C sa ilang lugar.

Ang Ha Long Bay ay isa sa pinakasikat na tourist destination sa Vietnam at kilala sa mala-kristal nitong tubig at mga isla na tinutubuan ng gubat.

Read also

Dambuhalang ulap, bumalot sa kalangitan ng South China

Basahin ang artikulo na isinulat ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa istorya na ito.

Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.

Read also

Lalaking namamalimos, patay matapos saksakin ng service crew

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: