Isang ginang na dumaing lang ng sakit sa tiyan, hindi inaaasahang nanganak
- Isang ginang na may apelyidong "Li" mula sa Ezhou City sa China ang biglang nagsilang ng sanggol
- Ayon sa ulat ng PhilSTAR Life mula sa South China Morning Post, dumaing lang ng sakit ng tiyan ang ginang nung una matapos niyang mananghalian
- Sa ulat, binalewala niya lang ito nung umpisa na inakalang baka nasobrahan lang siya ng kain, subalit nung napatuloy ang pagsakit ng kanyang tiyan, duon na siya nagdesisyon na dalhin ang sarili sa hospital
- Nagpunta siya sa pagamutan bandang alas-dos ng madaling araw gamit ang kanyang electric bike
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Source: Original
Ayon sa parehong ulat, mas lalong sumakit ang tiyan ni Li habang siya ay kinukunan ng ultrasound.
Makalipas ang ilang sandali, nagsimula nang makaranas si Li ng paghilab ng tiyan hanggang sa pumutok ang panubigan niya.
Agad na bumuo ng obstetrics team ang ospital para kay Li, at bandang 3:22 ng hapon, nanganak siya ng isang malusog na batang lalaki sa normal na paraan.
Pagkatapos manganak, inilipat si Li sa isang municipal health center para sa mas masusing obserbasyon.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ang kanyang asawa, na nagtatrabaho sa ibang lungsod, ay agad na umuwi sa Ezhou matapos malaman ang nangyari sa kanyang misis.
Ayon kay Li, nagulat siya nang malaman niyang buntis pala siya.
Bagaman napansin niyang tumaba siya, wala umano siyang naramdamang kakaiba na maaaring iugnay sa pagbubuntis.
Hindi rin siya nabahala sa hindi niya pagregla, dahil irregular naman talaga ang kanyang menstruation noon pa man.
Wika ni Li, hindi siya nakaranas ng pagsusuka sa umaga gaya ng naranasan niya noong una niyang pagbubuntis.
Hindi raw niya alam na buntis siya, kaya madalas pa rin siyang sumakay ng electric bike.
Sa kabutihang palad, ligtas at malusog ang sanggol—isang patunay daw ito ng malakas na resistensya ng kanyang anak.
Sa ngayon, ina na si Li ng isang anim na taong gulang na bata.
Dagdag pa niya, naging maingat naman sila ng kanyang asawa pagdating sa kontrasepsyon dahil hindi na talaga nila planong magkaroon pa ng isa pang anak.
Read PhilSTAR Life's article here to learn more about this story.
News, photos, or videos that arouse the interest of netizens would often go viral on social media, due to the attention netizens give them. These viral posts appeal to the emotions of netizens, and in rare cases, this could also happen to ordinary people, making them very relatable.
In a previous report by KAMI, a family of three was mercilessly shot and killed inside their store in Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Caught by CCTV, three men entered their store, closed the roll-up door, and shot the entire family to death. Before fleeing, one of the suspects even grabbed a bag and a mobile phone from the victim. In a report by Gary De Leon of TV 5's 'Frontline Pilipinas,' the family started getting threats after lending P1-M to one of the residents of their barangay; allegedly using the money for business.
In another viral local report, a 51-year-old public school teacher in Las Piñas City was stabbed multiple times by her own husband. According to the report of EJ Gomez in 'Unang Balita,' the 38-year-old suspect committed the crime inside the school's faculty room. Police authorities said the school has a security guard, but, being a familiar face in the school, the suspect managed to easily get in and out of the school. The suspect said he was there to talk to his wife and settle their misunderstanding, but unfortunately, it led to a big arguement.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh