Magkapatid, naulila matapos masawi ang ama sa Air India crash
- Nasawi ang isang ama na si Arjun Patoliya sa pagbagsak ng Air India flight noong Hunyo 12
- Iniuuwi niya sa India ang abo ng yumaong asawa upang tuparin ang huling habilin nito
- Pauwi na sana siya sa London kung saan naghihintay ang kanyang dalawang anak na edad 4 at 8
- DNA test ang inaasahan upang matukoy ang bangkay ng biktima ayon sa kanyang ina
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Nagdadalamhati ngayon ang pamilya ni Arjun Patoliya, isang British citizen na nasawi sa pagbagsak ng Air India flight noong Hunyo 12, 2025. Naitala ang insidente bilang isa sa pinakamatinding aviation tragedies ngayong taon matapos pumatay ng 241 pasahero at 29 na sibilyan.

Source: Facebook
Isa si Arjun sa mga pasaherong lulan ng nasabing flight na bumagsak habang pabalik na sana siya ng London — kung saan naghihintay ang kanyang dalawang anak na edad 4 at 8 taong gulang.
Ayon sa ulat ng mga international news outlets, lumipad patungong India si Arjun upang isakatuparan ang huling habilin ng kanyang asawang pumanaw sa cancer — na isaboy ang kanyang abo sa isang sagradong lugar sa India.
Hindi pa man siya lubusang nakaka-recover sa pagpanaw ng kanyang kabiyak, ay sinubukan niyang tuparin ang obligasyong iyon bilang huling pagpupugay sa asawa. Ngunit sa pagbabalik niya sana sa kanyang mga anak, tuluyan na rin siyang kinuha ng tadhana.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa panayam ng media sa ina ni Arjun, sinabi nitong siya ay sumailalim na sa DNA testing sa Ahmedabad Civil Hospital upang makumpirma kung kabilang sa mga bangkay ang kanyang anak.
"Once we complete all the rituals, we will sit down and decide the future of both girls," ani niya. Dagdag pa niya, kung kinakailangan ay pupunta siya sa London upang alagaan ang kanyang mga apo.
Si Arjun ay nanirahan sa London sa loob ng 17 taon at nakamit na ang kanyang British citizenship. Noong 2017, ikinasal siya sa kanyang kabiyak at noong 2023, naipetisyon niya na rin ito upang manirahan kasama niya sa UK. Sa kasamaang palad, hindi tumagal ang kanilang pagsasama nang magkasama sa London matapos bawian ng buhay ang kanyang asawa. At ngayon, maging siya ay sumakabilang-buhay na rin.
Ang pagbagsak ng Air India flight nitong Hunyo 12 ay isang matinding trahedya sa kasaysayan ng Indian aviation. Ayon sa mga ulat, ang eroplano ay nag-crash matapos magkaroon ng “sudden system failure,” subalit patuloy pa ring inaalam ng mga eksperto at aviation authorities ang tunay na sanhi. May ilang nakaligtas sa insidente ngunit karamihan sa mga sakay ay agad na nasawi dahil sa lakas ng impact at pagkasunog ng bahagi ng eroplano.
Marami sa mga sakay ay mga dayuhan at OFWs na pauwi o patungong trabaho, kabilang na rin ang ilang personalidad mula sa entertainment at music industry. Apektado rin ang mga lokal na residente dahil sa mga debris na tumama sa kabahayan at bukirin.
Isang survivor ng pagbagsak ng Air India flight ang nagsalaysay ng kanyang karanasan mula sa mismong araw ng trahedya. Ayon sa kanya, hindi niya malilimutan ang tunog ng sumabog na makina at ang biglaang pagbulusok ng eroplano. Siya lamang ang nakaligtas sa kanyang row ng upuan.
Isang kilalang Thai celebrity ang nakaligtas din sa parehong flight, at kapansin-pansin na parehong modelo ng eroplano at parehong seat row ang nauugnay sa mga nakaligtas. Maraming netizens ang naantig sa kanyang kwento, at ngayon ay tumutulong siya sa pag-raise ng awareness sa air safety.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh