Thai singer-actor, survivor din ng plane crash noong 1998— 11A din ang inupuan

Thai singer-actor, survivor din ng plane crash noong 1998— 11A din ang inupuan

  • James Ruangsak ay nakaligtas sa Thai Airways crash noong 1998 habang si Vishwash Kumar Ramesh naman sa Air India crash ngayong 2025
  • Pareho silang naka-upo sa Seat 11A malapit sa emergency exit nang mangyari ang trahedya
  • Ibinahagi ni James ang kanyang reaksyon sa Facebook at maraming netizens ang naantig
  • Tinaguriang “Miracle in Seat 11A” ang parehong istorya ng milagrosong pagkakaligtas

Hindi napigilang kilabutan ng netizens nang ibahagi ng Thai singer-actor na si James Ruangsak Loychusak ang nakakagulat na detalye sa kanyang nakaraang karanasan sa isang plane crash. Katulad ng British national na si Vishwash Kumar Ramesh—ang tanging nakaligtas sa Air India crash noong June 12, 2025—nakaligtas din si James sa isang nakagigimbal na plane crash taong 1998. Pero ang mas nakakagulat? Pareho silang naka-upo sa Seat 11A, na parehong nasa emergency exit row.

Thai singer-actor, survivor din ng plane crash noong 1998— 11A din ang inupuan
Thai singer-actor, survivor din ng plane crash noong 1998— 11A din ang inupuan (📷bollywoodshaadis.com)
Source: Facebook

Ayon sa Facebook post ni James nitong Biyernes, June 13, “Survivor of a plane crash in India. He sat in the same seat as me. 11A.” Dagdag pa niya, “Goosebumps. My condolences to all those who lost.” Umani ng mga komento ang post niya mula sa netizens na napa-“miracle” na lang sa hindi inaasahang coincidence.

Noong December 11, 1998, lulan si James ng Thai Airways Flight TG261 kasama ang 146 na pasahero nang bumagsak ito sa isang swamp sa Southern Thailand. Sinubukang mag-landing ng piloto ng tatlong beses, ngunit sa huli ay bumagsak din ang eroplano. Nasa 101 katao ang nasawi, habang 45 ang sugatan. Isa sa mga nakaligtas ay si James, na hanggang ngayon ay hindi pa rin lubos makalimutan ang amoy, ingay, at lasa ng tubig sa crash site.

Samantala, ang trahedya sa India nitong 2025 ay hindi nalalayo sa karanasang iyon. Sa Air India crash na bumagsak isang minuto lang matapos mag-take off mula Ahmedabad, India, isa lamang ang nakaligtas sa 242 pasahero at crew—si Vishwash Kumar Ramesh. Ayon sa mga ulat, sakay siya ng Seat 11A, na malapit sa kaliwang pakpak ng eroplano at nasa emergency exit row.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Tinawag na “Miracle in Seat 11A” ang insidente ni Vishwash sa mga international news sites. Matapos isalba, agad siyang naisugod sa ospital at kumpirmadong siya nga ang lone survivor. Makikita sa kanyang boarding pass na sa parehong puwesto siya naka-upo tulad ni James, 27 taon bago ang insidente.

Ang pagkakapareho sa mga karanasan ng dalawa ay tinuring ng marami na higit pa sa coincidence. Komento ng isang netizen sa post ni James, “I got goosebumps. It's really a miracle.” Dagdag pa ng isa, “The seat 11A is the real miracle.” Habang ang isa namang commenter ay nagbiro, “Wondering if this is Brother James 2 by accident.”

Si James Ruangsak Loychusak ay isang kilalang Thai singer, actor, at entertainer na nakilala noong 1990s. Bukod sa kanyang matagumpay na showbiz career, mas tumatak siya sa publiko matapos makaligtas sa isang malagim na plane crash noong 1998 sa Thailand. Sa kanyang pagbabahagi ng personal na karanasan, muling nabuhay ang interes ng marami sa kanyang buhay at katatagan bilang isang survivor.

Inilarawan ng marami bilang isang “himala” ang pagkakaligtas ni Vishwash Kumar Ramesh sa plane crash ng Air India. Sa kabila ng 241 na nasawi, siya lang ang natagpuang buhay. Mabilis siyang naisugod sa ospital at nananatiling under observation habang ang imbestigasyon sa sanhi ng insidente ay nagpapatuloy.

Sa isang panayam, ibinahagi ni Vishwash ang nakakatakot na sandali bago bumagsak ang eroplano. Ayon sa kanya, pakiramdam niya ay parang nasa slow motion ang lahat at ang ingay ng eroplano ay tila wala nang katapusan. Ipinakita rin ang boarding pass niya kung saan nakasaad na siya ay naka-upo sa Seat 11A, na mas lalong nagpapatibay sa hiwagang bumabalot sa insidente.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: