71 taong gulang na ama ng isa sa biktima ng Jeju plane crash: 'She was almost home’

71 taong gulang na ama ng isa sa biktima ng Jeju plane crash: 'She was almost home’

  • Ang Jeju Air flight 7C2216 mula Bangkok ay bumagsak sa Muan International Airport at nagresulta sa pagkamatay ng 179 katao
  • Pauwi na ang pasaherong si Mi-sook matapos ang bakasyon sa Bangkok ngunit nasawi sa aksidente
  • Iniulat ng Ministry of Transportation na may babala ukol sa "bird strike" bago maganap ang trahedya ngunit patuloy pa ang imbestigasyon
  • Dalawa lamang ang nakaligtas sa pinakamalalang plane crash sa kasaysayan ng South Korea

Patuloy na nagdadalamhati si Jeon Je-young, 71 taong gulang, habang paulit-ulit niyang pinapanood ang video ng pagbagsak ng eroplano na kinasasakyan ng kanyang anak na si Mi-sook at 180 iba pa. Ayon kay Jeon, hindi niya matanggap ang sinapit ng anak, na naglalakbay pauwi mula sa Bangkok matapos ang holiday kasama ang mga kaibigan.

71 taong gulang na ama ng isa sa biktima ng Jeju plane crash: 'She was almost home’
71 taong gulang na ama ng isa sa biktima ng Jeju plane crash: 'She was almost home’ (Screengrab from Reuters via ABS-CBN News)
Source: Facebook

"When I saw the accident video, the plane seemed out of control," said 71-year-old Jeon. "The pilots probably had no choice but to do it. My daughter, who is only in her mid-40s, ended up like this. This is unbelievable" ani Jeon sa isang panayam ng Reuters noong Linggo, Disyembre 29.

Read also

Mensahe mula sa isa sa biktima ng Jeju plane crash: "Should I leave a will?"

Ang flight 7C2216 ng Jeju Air, na may sakay na 175 pasahero at anim na crew, ay nagmula sa Bangkok at sinusubukang lumapag sa Muan International Airport bandang 9:00 AM (0000 GMT) nang maganap ang trahedya. Hindi nailabas ang landing gear ng eroplano, dahilan upang mag-belly land ito, dumulas sa runway, at bumangga sa isang pader bago sumiklab sa apoy. Dalawa lamang ang nakaligtas, habang 179 ang nasawi.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Mi-sook ay pauwi na sana upang makapiling ang kanyang pamilya, kabilang ang kanyang asawa at anak na dalagita. "She was almost home, so (she saw) no need to call the family (to leave any final message). She thought she was coming home," dagdag ni Jeon.

Ayon sa Ministry of Transportation, nagbigay ng babala ang control tower ukol sa "bird strike" bago ang insidente. Gayunpaman, kailangan pa ng karagdagang imbestigasyon upang matukoy kung ito nga ang naging sanhi ng trahedya.

Patuloy ang rescue at recovery efforts sa lugar ng aksidente habang naghahanap pa rin ng mga sagot ang mga pamilya ng mga biktima.

Read also

Flight Attendant na nakaligtas sa Jeju Air Crash: “What happened? Why am I here?”

(Production: Dogyun Kim, Heejung Jung)

Ang mga aksidente sa himpapawid ay bihira ngunit madalas nag-iiwan ng matinding epekto sa industriya ng aviation at sa mga pamilya ng mga biktima.

Sa naunang ulat, posibleng ang bird strike at masamang lagay ng panahon ang naging sanhi ng Jeju Air Crash.

Samantala, nakapag-Facebook Live pa ang isang Indian passenger ng Yeti Airlines ATR 72 ilang minuto bago mag-crash ang sinasakyang eroplano sa Nepal noong Enero 15, 2023.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: