Flight Attendant na nakaligtas sa Jeju Air Crash: “What happened? Why am I here?”

Flight Attendant na nakaligtas sa Jeju Air Crash: “What happened? Why am I here?”

  • Dalawang crew ng Jeju Air ang nakaligtas sa pagbagsak ng eroplano sa Muan International Airport noong Linggo
  • Ang flight attendant na si Lee ay nagtamo ng bali sa kaliwang balikat at pinsala sa ulo ngunit nanatiling malay
  • Si Kwon, isa pang nakaligtas, ay nagkaroon ng laslas sa anit, bali sa bukung-bukong, at posibleng pinsala sa tiyan
  • Naitala ng National Fire Agency ang 179 na nasawi habang patuloy ang rescue operations sa lugar ng insidente

Isang flight attendant mula sa Jeju Air na nakaligtas sa trahedya ng pagbagsak ng eroplano sa Muan International Airport noong Linggo ang nagtanong, "What happened?"nang tanungin ng mga doktor tungkol sa kanyang kalagayan matapos siyang isugod sa ospital.

Flight Attendant na nakaligtas sa Jeju Air Crash: “What happened? Why am I here?”
Flight Attendant na nakaligtas sa Jeju Air Crash: “What happened? Why am I here?” (PHOTO: Jung Yeon-je, AFP via ABS-CBN News)
Source: Facebook

Ayon sa Mokpo Korean Hospital, ang 32-anyos na tripulante, na kinilala bilang si Lee, ay tila nalilito at tinanong,"Why am I here?" sa halip na ipaliwanag ang kanyang mga pinsala.

Sinabi ni Lee na naka-seatbelt siya habang naghahanda ang eroplano para lumapag ngunit hindi niya maalala ang mga pangyayari matapos ang tila paglapag ng eroplano.

Read also

Luis Manzano, nag-react sa umano'y pag-snub sa pelikula ni Vilma Santos

Ayon sa isang opisyal ng ospital, maaaring dulot ng matinding pagkabigla ang reaksyon ni Lee. “It seems she was in a near-panic state, possibly worried about the safety of the plane and passengers,” pahayag ng opisyal.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Lee, na naka-assign sa likurang bahagi ng eroplano upang tumulong sa mga pasahero, ay nagtamo ng bali sa kaliwang balikat at pinsala sa ulo ngunit nanatiling malay. Inilipat siya sa isang ospital sa Seoul sa kahilingan ng kanyang pamilya.

Samantala, isa pang nakaligtas na crew member, isang 25-anyos na kinilala bilang si Kwon, ay nagpapagamot sa Mokpo Central Hospital.

Ayon sa mga doktor, hindi rin maalala ni Kwon ang pagbagsak ng eroplano at iniulat niyang nakararanas siya ng pananakit sa ulo, bukung-bukong, at tiyan.

Patuloy ang rescue operations sa nasirang bahagi ng buntot ng eroplano sa Muan International Airport sa Muan County, South Jeolla Province.

Sinabi ng staff ng ospital na nagtamo si Kwon ng laslas sa anit at bali sa bukung-bukong, at sumasailalim siya sa mga pagsusuri para sa posibleng pinsala sa tiyan. “While her life is not in danger, we haven’t had time to ask her about the crash,” dagdag ng kinatawan ng ospital.

Read also

Ara Mina at Cristine Reyes, magkasamang binatayan ang mommy nila na isinugod sa ospital

Inihayag ng National Fire Agency na 179 ang naitalang nasawi, at tanging dalawang cabin crew lamang ang nailigtas mula sa buntot ng eroplano.

(Isinalin mula sa orihinal na artikulo ng Hankook Ilbo na inilathala ng The Korea Times.)

Ang mga aksidente sa himpapawid ay bihira ngunit madalas nag-iiwan ng matinding epekto sa industriya ng aviation at sa mga pamilya ng mga biktima.

Sa naunang ulat, posibleng ang bird strike at masamang lagay ng panahon ang naging sanhi ng Jeju Air Crash.

Samantala, nakapag-Facebook Live pa ang isang Indian passenger ng Yeti Airlines ATR 72 ilang minuto bago mag-crash ang sinasakyang eroplano sa Nepal noong Enero 15, 2023.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: