Ama na nag-tutor sa anak sa loob ng isang taon, naiyak nang bumagsak pa rin ito sa math
- Hindi napigilang maluha ng isang ama nang malamang bumagsak pa rin ang anak niya sa Math
- Araw-araw, sa loob ng isang taon, nagtiyaga na mag-tutor ang ama sa kanyang anak
- Sinasabing talagang nagpupuyat ang mag-ama, maturuan lang ang ama sa math
- Sa kasamaang palad, 6 lang ang tamang sagot ng anak sa final exam nito na 100 sa nasabing asignatura
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Viral ang video ng isang ama mula Zhengzhou, Henan sa China kung saan naiyak talaga ito nang malamang 6 out of 100 ang nakuha lang na score ng kanyang anak sa final exams nito sa mathematics.
Nalaman ng KAMI hindi napigilan ng ama na maglabas ng saloobin sa video dahil araw-araw niyang tinuturuan ang anak sa math sa loob ng isang taon.
Sa ibinahaging video ng Qilu Evening News sa Weibo kitang-kita ang pagkadismaya ng ama dahil gabi-gabi niyang tinututukan ang anak at aminadong nagpupuyat sila para lang makapag-aral ng math.
Sinsabing nasa 40-50 points o 80-90 points ang nakukuhang score noon ng kanyang anak.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Malayo sa nakuha nitong marka na 6, kung kailan umano niya ito natutukan na ng husto sa aralin.
Dahil dito, komento ng ilang netizens na baka umano sa puyat at maaring pressure na rin na nararamdaman ng anak, kaya ito nakakuha ng mababang marka sa halip na makapasa.
Narito ang kabuuan ng video mula na ibinahagi rin ng Kabbage News:
Samantala, dito sa Pilipinas, umantig naman sa puso ng marami ang graduation picture ng isang anak na hindi ikinahiya ang kanyang ama.
Mapapansin kasi na hindi umano nakapostura ang ama na noo'y galing sa trabaho bilang backhoe operator subalit proud pa rin ang kanyang anak na nakipag-picture sa kanya.
Kamakailan, nag-viral din ang isang TikTok video kung saan isa umanong Nursing graduate ang hindi nakaakyat ng entablado para tanggapin ang kanyang diploma.
Nakilala ang naturang nursing grad na si John Marcelino Rosaldo at ang kanyang kapatid na si Celene ang naglabas umano ng hinaing sa nangyari.
Sinasabing tinanggal umano sa pila ng kukuha ng diploma si John Marcelino dahil hindi pa raw kumpirmado ang graduation fee nito.
Naglabas na rin ng pahayag ang paaralan ni John Marcelino at sinabing makailang beses na silang sumubok na kausapin ang kanilang estudyante at pamilya nito subalit hindi umano sila nakatanggap ng anumang sagot mula sa mga ito.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh