303 estudyante at 12 teachers, dinukot; Nigeria nagsara ng lahat ng paaralan
- Sinara ng Nigeria ang lahat ng paaralan matapos dukutin ng armadong grupo ang 303 estudyante at 12 na mga titser
- Naganap ang insidente sa isang Catholic school kung saan karamihan ay edad 10 hanggang 18
- Mahigit 50 estudyante ang nakatakas at nakabalik na sa kanilang pamilya
- Pope Leo XIV at iba pang lider ay nanawagan para sa agarang paglaya ng mga biktima
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Matinding pagkabahala ang bumalot sa Nigeria matapos dukutin ng hindi pa nakikilalang armadong grupo ang 303 estudyante at 12 titser mula sa isang Catholic school noong Biyernes, Nobyembre 21, 2025. Dahil dito, agad na ipinasara ng pamahalaan ang lahat ng paaralan sa rehiyon upang maiwasan ang posibleng panibagong insidente at mapalakas ang seguridad sa mga komunidad.

Source: AFP
Ayon sa ulat ng AP News, karamihan sa mga dinukot ay nasa edad 10 hanggang 18, dahilan upang mas lalong mangamba ang mga pamilya at tagapamahala ng mga institusyon.
Sa kabila ng pangamba, naghatid ng kaunting pag-asa ang balitang may 50 estudyante ang nakatakas mula sa mga dumukot sa kanila noong Linggo, Nobyembre 23. Nakabalik na ang mga ito sa kanilang mga pamilya at kasalukuyang nakatatanggap ng tulong upang maibsan ang kanilang pinagdaanan. Bagama’t malaking bilang pa rin ang nasa kamay ng grupo, itinuturing na magandang senyales ang takas na ito na maaaring magbigay-linaw sa mga imbestigasyon.
Patuloy namang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang kinaroroonan ng mga biktima at ang motibo ng grupo sa paglusob sa naturang paaralan. Ito na ang pangalawang malaking insidente ng kidnapping sa loob lamang ng iisang buwan, dahilan upang mas uminit ang panawagan para sa agarang aksyon ng pamahalaan. Kaugnay nito, kinumpirma rin ng mga opisyal na may iba pang grupo ang umatake ilang araw bago ang pangunahing insidente kung saan nasa 25 estudyante pa ang nadukot mula sa isang paaralan na nasa 170 kilometro ang layo mula sa St. Mary School.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Hindi rin nakaligtas ang Nigeria sa atensyon ng international community. Matatandaang kamakailan ay naglabas ng pahayag si US President Donald Trump tungkol sa umano’y pag-atake sa mga Kristiyanong komunidad sa West Africa—isang komentong agad namang pinabulaanan ng mga lokal na awtoridad. Ayon sa kanila, hindi lamang Kristiyano ang naaapektuhan dahil maging mga Muslim communities ay nakararanas din ng paglusob mula sa mga armadong grupo.
Samantala, sa Vatican, nagpaabot ng dasal at panawagan si Pope Leo XIV para sa agarang paglaya ng mga dinukot. Sa kaniyang mensahe, sinabi ng Santo Papa na “I feel great sorrow, especially for the many girls and boys who have been abducted and for their anguished families.” Dagdag pa niya, “I make a heartfelt appeal for the immediate release of the hostages and urge the competent authorities to take appropriate and timely decisions to ensure their release.” Nagpaabot din ng pakikiramay ang iba pang religious leaders na nanawagan ng pagkakaisa upang matiyak ang kaligtasan ng mga kabataan.
Habang nagpapatuloy ang krisis, patuloy din ang paghingi ng tulong ng mga pamilya ng mga nawawala. Ang pangamba at pag-aalala ay dama sa buong komunidad, lalo na’t walang katiyakang ibinibigay ang mga awtoridad kung kailan muling magbubukas ang mga paaralan at kung kailan masosolusyunan ang sunod-sunod na insidente ng pagdukot.
Sa ngayon, nakatutok ang buong mundo sa Nigeria habang hinihintay ang susunod na hakbang ng gobyerno upang masagip ang mga estudyante at titser, at upang mapigilan ang ganitong uri ng pag-atake sa mga paaralan. Patuloy ding umaasa ang international community na mabilis na matutuldukan ang pangyayari at muling maibalik ang kapayapaan sa rehiyon.
Ang Nigeria ay isa sa mga bansang matagal nang humaharap sa problema ng pagdukot na kadalasang target ay mga paaralan sa rural areas. Madalas gamitin ng mga armadong grupo ang mass kidnapping bilang paraan upang makakuha ng ransom o political leverage. Dahil dito, regular na nagiging laman ng balita ang ilang rehiyon ng bansa dahil sa pag-atake sa mga komunidad at institusyong pang-edukasyon.
2 estudyante nag-cutting classes, nagsabing nakidnap sila dahil natakot mapagalitan ng mga magulang
Sa naunang ulat, dalawang estudyante ang nagkunwaring dinukot upang takasan ang galit ng kanilang mga magulang matapos silang mag-cutting classes. Agad silang natagpuan ng mga awtoridad at ipinaliwanag sa kanila ang bigat ng kanilang ginawa. Naging malaking aral ito sa kanila at sa publiko kung gaano kaseryoso ang paggamit ng salitang kidnapping.
Estudyante mula sa isang exclusive school sa Manila na-rescue mula sa mga kidnapper
Isa pang balita ang umani ng atensyon nang masagip ng mga awtoridad ang isang estudyante mula sa isang exclusive school sa Metro Manila mula sa umano’y kidnappers. Ayon sa initial investigation, napagplanuhan ito at mabilis na naresolba dahil sa maagap na aksyon ng mga otoridad. Lalong nagkaroon ng diin ang seguridad sa mga paaralan matapos ang insidente.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh


