
Philippine News







Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na dalawang Pinay OFW ang nasawi sa car accident sa Lucky Plaza sa Singapore. Apat naman ang sugatan at dalawa sa mga ito ay nananatili pa sa intensive care.

Matapos maaresto ang isang babae dahil sa pagtatangka nitong mandukot ng bata ay nagpanggap naman umano itong wala sa sarili. Matino naman daw ito nang makausap noong una ngunit laking gulat ng mga tao nang bigla itong maghubad.

Upang patunayan na ligtas ang kanyang produkto ay uminom sa harap ng camera ang may-ari ng pagawaan ng lambanog na ininom ng mga nasawi sa Laguna. Hinala pa nito, may nanabotahe diumano sa kanilang negosyo ayon sa abogado nito.

Nag-iwan ng matinding pinsala ang bagyong Ursula ngayong Kapaskuhan. Kabi-kabilang balita na rin ang naiulat kaugnay ng pinsalang iniwan nito sa bansa. 10 na ang naitalang nasawi sa ilang lugar habang mayroon pang mga nawawala.

Kauna-unahan sa buong mundo ang gamot na nilikha ng ilang Pinoy na mabisa raw na pangontra sa dengue. Ang dumaraming kaso ng nakamamatay na sakit na ito ang nagtulak daw sa team na gumawa nito para gawin ang gamot.

Nakitaan ng senyales ng panggagahasa ang tatlong babaeng biktima sa Maguindanao massacre ayon sa Quezon City Regional Trial Court Branch 221. Ito ay ayon sa autopsy na isinagawa ng PNP Crime Laboratory.

Hindi na nakauwi pa ng buhay ang pambato ng Pilipinas sa racing competition sa Thailand matapos ang isang aksidente. Ang 16-anyos na si Amber Torres, pumanaw sa edad na 16-anyos. Naisugod pa raw ito sa ospital ngunit namatay din.

Nagbabala ang isang abogado ukol sa maaring kalagyan ng magulang na namamahiya at nanunugod ng mga guro. Ang iba raw kasi ay tila "overreacting" lamang sa mga guro at sa disiplinang nagawa nito sa estudyante.

Ipinakita ng isang atletang Igorot ang kanyang pagmamahal sa kanyang pinagmulang lahi sa pamamagitan ng pagsusuot ng bahag sa kanyang laban. Lumaban ito sa arnis anyo category at nanalo ng gintong medalya mula rito.
Philippine News
Load more