DOTr-MRT-3 kinondena ang viral na paghawak ng tarpaulin ng empleyado sa Shaw station
- Naglabas na ng pahayag ang Department of Transportation–MRT-3 kaugnay sa nag-viral na empleyado nila kamakailan
- Ito ay matapos kumalat ng video ng ilan nilang empleyado na naghahawak ng tarpaulin bilang gabay sa mga pasahero
- Paglilinaw ng DOTr- MRT3, hindi umano awtorisado ang pinagawa sa mga empleyado
- Isa sa mga aksyon na nagawa ay ang pagsibak umano sa pwesto ng supervisor ng istasyon at patuoloy din itong iimbestigahan
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Kinondena ng Department of Transportation–MRT-3 ang umano’y nag-viral na video kung saan makikita ang ilang empleyado ng MRT-3 na may hawak na tarpaulin bilang gabay sa mga pasahero patungo sa gumaganang escalator sa Shaw Boulevard Station.

Source: Facebook
Ayon sa pamunuan ng DOTr-MRT-3, hindi awtorisado ng management ang naturang gawain at agad itong ipinatigil nang kanilang malaman ang insidente.
Kaakibat nito, humingi ng paumanhin ang ahensya sa publiko at sa mga empleyadong inatasang magdala ng tarpaulin, iginiit na hindi ito bahagi ng kanilang tungkulin at hindi dapat tratuhin ang sinumang kawani sa ganitong paraan.
Bilang bahagi ng pananagutan, iniutos ni Transportation Secretary Banoy Lopez ang agarang pagtanggal sa puwesto ng station supervisor ng Shaw Boulevard Station na sangkot sa insidente.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ang naturang opisyal ay isinailalim na rin sa imbestigasyon ng MRT-3 Disciplinary Committee para sa nararapat na parusa.
Tiniyak naman ng DOTr-MRT-3 na nagsasagawa na sila ng mga hakbang at reporma upang maiwasan ang pag-uulit ng kaparehong insidente, at pinagtitibay ang kanilang pangako sa pananagutan, kahusayan, at paggalang sa lahat ng operasyon para sa kapakanan ng mga pasahero.
Narito ang kabuuan ng kanilang opisyal na pahayag:
Kamakailan ay naging usap-usapan din ang isang 23-anyos na estudyante noong Miyerkules ng umaga matapos mabagsak mula sa platform ng Light Rail Transit Line-1 (LRT-1) Fernando Poe Jr. Station sa Quezon City bandang 10:30 ng umaga ng Pebrero 11.
Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng seguridad ng istasyon at lokal na awtoridad sa lugar, ngunit idineklarang patay ang biktima sa pinangyarihan ng insidente. Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya kung ito ba ay aksidente, kusang pagtalon, o may ibang dahilan.
Ayon sa mga saksi at CCTV na sinuri ng pulisya, nakita ang lalaki na naglalakad sa gilid ng platform bago ito bumagsak at tumama sa kalsada sa ibaba. May dumaraang sasakyan na hindi na nakaiwas at nabangga rin ang estudyante matapos ang pagbagsak, subalit inihayag ng mga awtoridad na walang malinaw na palatandaan na nagkulang sa pag-iingat ang driver ng sasakyan.
Samantala, nakalaya na mula sa kustodiya ng pulisya ang driver na ang sasakyan ay nabagsakan ng isang estudyanteng nahulog mula sa platform ng LRT-1 Fernando Poe Jr. Station. Ayon sa Quezon City Police District (QCPD) nitong Huwebes, Pebrero 12, 2026, pormal nang pinalaya ang driver matapos ang isinagawang imbestigasyon. Umani ng samu't saring reaksyon ang pagkaka-detain ng driver kung saan marami ang nagsasabing wala umano itong kasalanan at tila biktima rin ang driver na sinasabing nagulat din sa mga pangyayaring ito na hindi niya inaasahan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

