Jay Costura kaugnay sa natagpuang 'missing bride-to-be': "Invited na ba ako sa kasal?"
- Nagbigay ng pahayag si Jay Costura kaugnay sa natagpuan nang 'missing bride-to-be'
- Mayroon din umano itong mensahe sa mga umano'y bashers niya nang maipalabas ang kanyang reading sa nawalang bride
- Matatandaang dumulog sa kanya ang nobyo at ina ng 'missing bride-to-be'
- Si Jay Costura ay tinaguriang 'Nostradamus of the Philippines' na kamakailan ay nag-trending dahil sa umano'y tumugmang impormasyon kung saan natagpuan ang missing bride-to-be
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Nagbigay ng pahayag ang kilalang psychic reader na si Jay Costura kaugnay sa pagkakatagpo sa tinaguriang missing bride-to-be na si Sherra De Juan, na kamakailan ay ligtas na natagpuan.

Source: Facebook
Muling naging usap-usapan si Jay sa social media matapos umanong tumugma ang ilan sa kanyang mga pahayag sa aktuwal na lugar at kalagayan kung saan natagpuan ang nawawalang babae.
Matatandaang bago pa man matagpuan si Sherra, ay dumulog umano kay Jay Costura ang nobyo at ina ng missing bride-to-be upang humingi ng tulong at gabay sa pamamagitan ng kanyang psychic reading.
Dahil dito, nagbigay si Jay ng mga detalye na kalaunan ay naging dahilan ng pag-trending ng kanyang pangalan sa iba’t ibang online platforms, bagay na nagbunsod ng halo-halong reaksyon mula sa publiko.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Kasabay ng paglabas ng balitang ligtas na si Sherra De Juan, ay nag-repost si Jay Costura ng ulat at naglagay ng pabirong caption na tila patama sa kanyang mga bashers. Ayon sa kanyang post, “Aaayyyannnn na ohhhhh invited naba ako sa kasal??? chaaaarrrizzzzzz ako naa mag invite sa Buong Pilipinas...... Sa mga nanghusga sa akin bahala kayo sa buhay nyooooo....” na agad namang umani ng samu’t saring komento mula sa netizens.
Tinaguriang “Nostradamus of the Philippines,” si Jay Costura ay kilala sa pagbibigay ng psychic readings sa mga nawawalang tao at iba pang sensitibong kaso. Gayunpaman, hindi rin maiiwasan ang mga batikos at pagdududa mula sa ilan, lalo na tuwing may ganitong uri ng pangyayari. Iginiit ni Costura na patuloy lamang siyang tutulong sa abot ng kanyang makakaya, lalo na kung ang layunin ay ang kaligtasan ng isang tao.
Si Sherra De Juan ay isang babaeng nakilala ng publiko matapos siyang iulat na nawawala at tinaguriang “missing bride-to-be.” Ayon sa mga ulat, ilang araw siyang hindi nakauwi sa kanilang pamilya, dahilan upang magdulot ng pangamba at espekulasyon sa social media. Kalaunan, natagpuan siya sa Pangasinan matapos tulungan ng isang nagmalasakit na motorista at ihatid sa pulisya. Sa mga panayam, ibinahagi ni Sherra ang kanyang pagiging mahiyain, kakulangan sa pera, at mga takot na naranasan habang naglalakbay mag-isa. Sa kasalukuyan, ligtas na siya at muling nakapiling ang kanyang pamilya. Patuloy na iniimbestigahan ng awtoridad ang buong pangyayari para sa linaw.
Agad siyang isinailalim sa masusing medical assessment ng Quezon City Police District (QCPD) Medical and Dental Unit (MDU) matapos itong matagpuang ligtas sa lalawigan ng Pangasinan noong Lunes, Disyembre 29. Batay sa resulta ng pagsusuri, lumabas na halos tubig lamang ang naging konsumo ni Sherra sa loob ng ilang araw at kamakailan lamang muli itong nakakain ng maayos. Gayunpaman, tiniyak ng QCPD-MDU na wala silang nakitang senyales ng malubhang karamdaman.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

