“Pag na-clear na pangalan ko…” Huling pakiusap ni Ivan, ibinunyag ng kanyang kapatid

“Pag na-clear na pangalan ko…” Huling pakiusap ni Ivan, ibinunyag ng kanyang kapatid

  • Ibinahagi ng kapatid ni Ivan ang kanyang huling habilin at ang bigat ng kanilang pinagdaraanan
  • Maraming nagpadala ng impormasyon at mensahe para makatulong sa paglinaw ng isyu
  • Nagpasalamat ang pamilya kay Atty. Rowena Guanzon sa paggamit nito ng platform para sa panawagan
  • Tiniyak ng pamilya na magtutulungan sila upang maibigay ang hustisya na hindi nakuha ni Ivan

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Patuloy ang emosyonal na pag-alala at panawagan mula sa pamilya ni Ivan Cezar Ronquillo matapos ilabas ng kanyang kapatid na si Sheila Rodriguez ang huling habilin nito. Sa gitna ng sunod-sunod na mensahe, screenshots, videos, at iba pang impormasyon na ipinapadala sa kanila, nanindigan ang pamilya na ipagpapatuloy nila ang laban na sinimulan ni Ivan.

“Pag na-clear na pangalan ko…” Huling pakiusap ni Ivan, ibinunyag ng kanyang kapatid
“Pag na-clear na pangalan ko…” Huling pakiusap ni Ivan, ibinunyag ng kanyang kapatid (📷Sheila Rodriguez/Facebook)
Source: Facebook

Ayon kay Sheila, mula nang lumabas ang balita tungkol kay Ivan, hindi na tumigil ang pagdaloy ng mga mensahe sa kanilang inbox. Marami raw ang gustong tumulong at gustong mailahad ang alam nila tungkol sa naranasan ni Ivan. Sa kabila nito, binigyang-diin ni Sheila na kailangan nila ng panahon upang huminga at buuin ang sarili habang pinoproseso ang bigat ng nangyari.

Read also

Pamilya ni Ivan, di sumusuko sa panawagang hustisya: “Ang sakit, Van…”

Sa kanyang pahayag, taos-puso ang pasasalamat ni Sheila kay Atty. Rowena Guanzon, na agad umanong nagbigay ng suporta para mailapit sa mas malawak na publiko ang sitwasyon ni Ivan. Pero ang pinakamabigat na bahagi ay nang ibinahagi ni Sheila ang huling bilin ng kanyang kapatid, na ngayon ay mas lalo nilang pinanghahawakan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nakasulat sa kanyang pahayag ang mga katagang iniwan ni Ivan na ayon sa kanila ay hindi nila inakalang magiging huling mensahe: “Pag na-clear na pangalan ko, pananagutan ko lahat ng nambugbog sakin at nanira sakin sa social media.”

Dagdag pa ni Sheila, labis ang sakit na naramdaman nila dahil sa bigat ng pinagdaanan ng kapatid. Sinabi niyang hindi naman umano gumanti si Ivan sa mga taong umano’y nanira sa kanya. Sa halip, nahirapan siya dahil sa sunod-sunod na panghuhusga at pang-aalipusta na tumama sa kanyang pagkatao at morale, ayon sa pahayag ng pamilya.

“Hindi kayo ginagalaw ng kapatid ko. Wala siyang ginawang masama sa inyo. Pero binasag nyo sya e. Binagsak nyo ang morale niya. Pinerahan, binully, siniraan – online at in person,” ani Sheila.

Dahil dito, malinaw ang posisyon ng pamilya: ipagpapatuloy nila ang laban ni Ivan at sisikapin na maipakita ang buong katotohanan. Aniya, walang makakatakas sa katotohanan at mananatili silang nakahandang makipagtulungan, kasama ang mga taong boluntaryong nagbibigay ng impormasyon.

Read also

Valentine Rosales announces temporary social media break and shares reminder

Sa mga nakaraang araw, naging tampok sa ilang major news sites ang paggunita kay Ivan at ang ugnayan niya sa Vivamax star na si Gina Lima bago ito pumanaw. Matatandaang matapos mapabalita ang tungkol sa pagpanaw ni Gina, maraming mga netizens ang nagbahagi ng kanilang opinyon kabilang na ang ilang online personalities kagaya ni Valentine Rosales.

Ex-boyfriend of Gina Lima shares emotional video of their final moments

Sa artikulong ito, ibinahagi ang kuha ni Ivan sa kanilang huling pag-uusap ni Gina bago ang hindi inaasahang pangyayari. Makikita kung gaano sila naging bukas sa isa’t isa sa mga panahong pareho silang humaharap sa mabibigat na emosyon. Ipinakita rin sa ulat kung paano tinanggap ni Ivan ang nangyari at kung gaano kalalim ang iniwan nitong epekto sa kanya.

“Ang sakit, Van…” Pamilya ni Ivan di sumusuko sa panawagang hustisya

Inilarawan dito ang unang pahayag ng pamilya tungkol sa bigat ng kanilang pinagdadaanan at kung paano sila nagsimulang tumanggap ng mga mensahe mula sa mga taong gustong tumulong. Tampok din sa ulat ang pain at determinasyon ng pamilya upang hindi mapabayaan ang panawagan ni Ivan habang patuloy nilang tinatanggap ang suporta ng publiko.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate