Valentine Rosales announces temporary social media break and shares reminder

Valentine Rosales announces temporary social media break and shares reminder

  • Nagpaalam si Valentine Rosales pansamantala sa social media matapos ang sunod sunod na isyu na nagdulot sa kanya ng matinding pagod
  • Inamin niyang bumalik ang ilang mabibigat na alaala kaya pinayuhan siya ng kanyang psychiatrist na magpahinga muna
  • Pinunto niya na nadala siya ng emosyon kaya hindi siya agad nakapag factual checking sa naunang post
  • Nagbigay siya ng mensahe ng kabutihan at paalala sa lahat na maging maingat sa paghusga at pagkalat ng impormasyon

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Naglabas ng taos pusong pahayag si Valentine Rosales matapos maharap sa sunod sunod na online discussions nitong mga nakaraang araw. Ayon sa kanya, hindi naging maganda ang mga pangyayari sa social media at naapektuhan siyang mabigat sa emosyon. Sa kanyang mensahe, sinabi niyang bumabalik ang ilang matinding alaala dahil sa ikot ng isyu at hindi na raw niya alam kung paano haharapin ang sitwasyon.

Valentine Rosales announces temporary social media break and shares reminder
Valentine Rosales announces temporary social media break and shares reminder (đź“·Valentine Rosales/Facebook)
Source: Instagram

Ibinahagi rin ni Valentine na pinayuhan siya ng kanyang psychiatrist na magpahinga muna mula sa social media. “This will be my last post for now,” aniya, habang nagpapasalamat sa mga patuloy na kumukumusta at nagbibigay ng magagaan na salita. Ayon sa kanya, malaking tulong ang mga ito para maibsan ang bigat na kanyang nararamdaman.

Read also

Valentine Rosales: “Please be kind… Tulad niyo, biktima din ako”

Inamin din ng content creator na nagkulang siya sa pagsusuri bago magpost ng ilang detalye na nakuha niya sa mga kakilala. “I am sorry because I failed to do factual checking before posting… nadala lang din ako ng emotions,” paglilinaw niya. Pinunto niyang natural lamang ang unang reaksyon lalo na kung ang isang tao ay nakakakuha ng impormasyon mula sa mga taong pinagkakatiwalaan.

Kasabay nito, nagbigay siya ng paalala sa publiko tungkol sa kahalagahan ng pag-iingat sa online space. Ayon sa kanya, dapat laging tiyakin na may sapat na basehan ang anumang pahayag bago magbigay ng matinding komento. “Let’s be kind dahil we don’t know what other's are going through… A little kindness can go a very long way,” dagdag niya. Sinabi rin niyang huwag hayaang magdala ang emosyon sa mga bagay na hindi pa lubusang malinaw.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa huling bahagi ng kanyang post, nagpaalam muna si Valentine at nagbilin na alalahanin ng lahat ang mensahe ng kabutihan. “Bye muna for now… always remember to Be Kind,” pagtatapos niya. Marami ang nagbigay suporta at nagpahayag ng pag-unawa matapos lumabas ang kanyang pahayag.

Si Valentine Rosales ay kilala sa social media bilang personalidad na madalas nagbibigay ng saloobin sa iba’t ibang usapin. Naging bahagi siya ng ilang viral discussions na nagdala sa kanya sa gitna ng mga matitinding palitan online. Sa kabila nito, napapanatili niya ang kanyang audience dahil sa pagiging prangka at bukas sa kanyang nararamdaman. Dahil dito, bawat pahayag niya ay mabilis na pinag-uusapan at madalas nagiging bahagi ng trending topics sa social media.

Read also

Inisyal na autopsy: Pasa ni Gina Lima sa hita, hindi sanhi ng kanyang pagkamatay

Wacky Kiray kay Valentine Rosales: “Aka ka na mag comment kung naka sali ka na sa beauty contest” Sa ulat na ito, sinagot ni Wacky Kiray ang komento ni Valentine tungkol sa mundo ng pageantry. Nagbigay siya ng sariling pananaw kung bakit mahalagang may personal na karanasan bago magbigay ng ilang kuro kuro. Naging dahilan ito ng masiglang talakayan online, na nagpapakita ng impluwensya ni Valentine pagdating sa discussions tungkol sa beauty contests.

Valentine Rosales: “Be kind, tulad niyo biktima din ako” Sa isang naunang balita, ipinaliwanag ni Valentine na isa rin siyang nabigla sa maling impormasyon na kumalat online. Inilahad niya kung paano nagumon ang sitwasyon at kung paano siya naapektuhan sa personal na aspeto. Ang pahayag na ito ang nagbigay linaw sa kanyang panig bago pa man niya inanunsyo ang kanyang social media break.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot: