Kim Atienza sa biglaang pagpanaw ni Emman: "Hindi mo alam kung saan galing ang sakit"

Kim Atienza sa biglaang pagpanaw ni Emman: "Hindi mo alam kung saan galing ang sakit"

  • Hindi napigilang maiyak ni Kuya Kim Atienza nang masabi niya ang nararamdaman sa pagpanaw ng anak
  • Sa panayam sa kanya ni Jessica Soho, mas lalo niyang naidetalye ang pinagdaraanan ng kanilang pamilya sa pagpanaw ng kanyang anak na si Emman
  • Doon, nasabi rin niya sa host ng programang KMJS ang pasasalamat sa mga taong dumaramay sa kanya at sa kanilang pamilya
  • Matatandaang Oktubre 22 nang gumulantang sa publiko ang biglaang pagpanaw ni Emman Atienza, isa sa tatlong anak ni Kim Atienza

Hindi napigilang maging emosyonal ng TV host at weather anchor na si Kim Atienza sa panayam ni Jessica Soho sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) nang muli niyang balikan ang biglaang pagpanaw ng kanyang anak na si Emmanuelle “Emman” Atienza.

Kim Atienza sa biglaang pagpanaw ni Emman: "Hindi mo alam kung saan galing ang sakit"
Kim Atienza sa biglaang pagpanaw ni Emman: "Hindi mo alam kung saan galing ang sakit" (Kuya Kim Atienza)
Source: Youtube

Sa gitna ng panayam, ibinahagi ni Kuya Kim ang malalim na sakit na dulot ng pagkawala ng kanyang anak — isang sakit na, ayon sa kanya, ay walang katulad at hindi kayang ipaliwanag ng mga salita.

Read also

Kim Atienza, idinetalye paano nalaman ang pagpanaw na anak na si Emman

“Lord, kahit bigyan mo ’ko ng cancer, okay e! Madali ang physical pain. Titiisin mo ’yan e! Pero ’yung mamatayan ka ng anak? Masakit! Masakit. Hindi mo alam kung saan galing ang sakit. Masakit lang! Masakit sa lahat,” emosyonal na pahayag ni Kuya Kim habang pinipigilan ang pagluha.

Ayon pa sa kanya, walang mas mabigat na pinagdadaanan para sa isang magulang kundi ang mailibing ang sariling anak. Inamin din ni Kuya Kim na patuloy pa rin silang nagpapakatatag bilang pamilya, sa kabila ng matinding kirot ng pagkawala ni Emman.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang nasabing panayam ay ang kauna-unahang pagkakataon na nagsalita si Kuya Kim sa publiko tungkol sa kanyang anak matapos itong pumanaw, bagay na umantig sa puso ng marami.

Sa kabila ng kalungkutan, pinipili pa rin ni Kuya Kim na magpatuloy at magtiwala sa Diyos, na aniya’y tanging sandigan niya sa panahon ng matinding pagdadalamhati.

Si Kim Atienza, o mas kilala ng publiko bilang Kuya Kim, ay isang kilalang personalidad sa telebisyon sa Pilipinas. Siya ay isang TV host, weatherman, at animal advocate na nakilala dahil sa kanyang edukasyonal at inspirasyonal na mga segment sa telebisyon. Isa siya sa mga pinakatampok na personalidad ng ABS-CBN noon, kung saan naging bahagi siya ng mga programang tulad ng Matanglawin at TV Patrol bilang weather anchor.

Read also

Zsa Zsa Padilla, hindi na nakapagtimpi sa mga bashers: "Sarap nyo tirisin!"

Matapos umalis sa ABS-CBN noong 2021, lumipat siya sa GMA Network kung saan ipinagpatuloy niya ang kanyang adbokasiya sa kalikasan, kalusugan, at edukasyon bilang weather presenter ng 24 Oras.

Samantala, Si Emmanuelle “Emman” Atienza ay anak ni Kuya Kim at ng asawa niyang si Fely Atienza. Nakilala si Emman bilang isang content creator at digital artist na aktibo sa social media. Kilala siya sa paggawa ng mga malikhaing nilalaman na naglalarawan ng kanyang mga karanasan, pananaw sa buhay, at mga inspirasyong makabagbag-damdamin para sa kabataan.

Maraming netizens ang humanga kay Emman dahil sa kanyang pagiging matalino, malikhain, at mapagmahal sa pamilya. Gayunpaman, nito lamang Oktubre 22, gumulantang sa publiko ang balitang pumanaw na siya, na nagdulot ng matinding dalamhati sa kanyang pamilya, mga kaibigan, at mga tagasuporta.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica