Ina ng 3 batang nasawi sa sunog sa QC, naglabas ng saloobin; nanawagan ng tulong

Ina ng 3 batang nasawi sa sunog sa QC, naglabas ng saloobin; nanawagan ng tulong

  • Nanawagan ng tulong ang ina ng tatlong magkakapatid na nasawi sa sunog sa Quezon City
  • Bukod sa pagkasawi ng kanyang tatlong anak, nawalan din sila ng ari-arian
  • Sa labis na paghihinagpis, nasambit ng ina na nais na niyang sumama sa mga anak
  • Aniya, hindi nila alam ngayon paano magsisimula matapos ang malagim na trahedya

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Labis na dalamhati ang nararamdaman ngayon ni Jeanine Pauline Miñoza at ng kanyang kinakasamang si Alfredo Albino Jr. matapos masawi ang kanilang tatlong anak sa isang sunog na sumiklab sa Barangay Sto. Domingo, Quezon City.

Ina ng 3 batang nasawi sa sunog sa QC, nanawagan ng tulong
Ina ng 3 batang nasawi sa sunog sa QC, nanawagan ng tulong (ABS-CBN News)
Source: Facebook

Kinilala ang mga biktima na sina Jon Matthew, 10 anyos; Zach Daniel, 7 anyos; at ang bunsong si Zara Kathryn, 5 anyos. Ayon sa mag-asawa, kilala ang tatlo sa kanilang kabaitan at kalambingan, bagay na lalong nagpapabigat sa kanilang sinapit. Nakatakda silang i-cremate ngayong Miyerkules, Oktubre 15.

“Alam ko maraming nagsasabi sa akin, kasalanan ko. Alam ko kasalanan ko talaga ‘yon. Hindi ko tinatanggi ‘yun, kasalanan ko talaga ‘yun. Hindi ko deserve ‘to pero hindi nila deserve ang nangyari sa kanila. Deserve ko ‘yung sakit, deserve ko yung lahat ng nararamdaman ko ngayon. Wala akong kwentang nanay, wala akong kwenta.”

Read also

Lasing na mister, binugbog hanggang mamatay ang asawa sa Batangas; apo sugatan

Bukod sa pagkasawi ng kanilang mga anak, tuluyang naabo rin ang kanilang bahay at lahat ng ari-arian. Dahil dito, nananawagan ng tulong ang mag-asawa sa publiko upang muling makapagsimula. Sa gitna ng kanilang matinding dalamhati, nasambit ni Miñoza na tila wala na siyang dahilan upang mabuhay matapos ang sinapit ng kanyang mga anak.

“Hingi na lang din po kami ng konting tulong kasi wala rin po kaming nasagip na kahit ano. Gamit, tubig, pagkain… Wala po kami lahat. Wala po kami matuluyan. Hindi ko po alam saan kami nagsisimula," ayon kay Jeanine na labis na nagdadalamhati.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Patuloy namang umaasa ang mag-asawa na sa kabila ng trahedya, may mga mabubuting pusong tutulong sa kanila upang muling makabangon.

Sa naunang panayam ng ABS-CBN News, ibinahagi ni Jeanine na iniwan nilang mag-asawa ang mga bata upang pumunta sa isang ospital sa Maynila para asikasuhin ang CT-scan ng kanyang inang may karamdaman.

Hindi nila inasahan na sa kanilang pag-alis ay magaganap ang trahedyang babago sa kanilang buhay.

Bakit, bakit ang mga anak ko?” ang umiiyak na sambit ni Miñoza habang napalupasay sa lupa nang kumpirmahin ng mga awtoridad na ang kanyang tatlong anak ay kabilang sa mga biktimang nasawi sa sunog. Una nang umaasa ang ina na ligtas pa ang mga ito matapos hindi makita sa listahan ng mga nakaligtas.

Read also

Diwata, emosyonal matapos matukoy ang lalaking nagpanggap bilang siya

Patuloy na iniimbestigahan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sanhi ng naturang sunog na mabilis umanong kumalat sa lugar dahil sa mga gawa sa light materials ang karamihan ng mga bahay. Samantala, patuloy namang binibigyan ng tulong at counselling ang pamilya Miñoza ng lokal na pamahalaan ng Quezon City.

Samantala, bukod sa sunog, kamakailan lamang ay niyanig naman ng magkakasunod na mga lindol ang ilang bahagi ng Pilipinas, na nagdulot ng pangamba sa mga residente at pansamantalang pagkasira ng ilang estruktura. Isa sa mga malakas na pagyanig ay naitala sa Mindanao, partikular sa Davao Occidental, na may lakas na 6.2 magnitude ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS). Ramdam ang lindol sa mga karatig-probinsya tulad ng General Santos at South Cotabato, kung saan ilang gusali ang nagkaroon ng bitak at pansamantalang sinuspinde ang klase at trabaho para sa kaligtasan ng publiko. Sa kabutihang palad, walang napaulat na nasawi, ngunit ilang residente ang nagtamo ng minor injuries dahil sa pagtakbo palabas ng kanilang mga tahanan.

Sa Luzon naman, nakaranas din ng mahihinang pagyanig ang ilang bahagi ng Central at Northern Luzon nitong mga nakaraang araw. Ayon sa PHIVOLCS, ito ay bahagi ng normal na seismic activity ng bansa dahil matatagpuan ang Pilipinas sa Pacific Ring of Fire. Patuloy ang paalala ng ahensya sa publiko na laging maging handa at magtakda ng emergency plan sa bawat pamilya. Kasalukuyan ding naglalagay ng mga karagdagang seismograph ang PHIVOLCS sa ilang rehiyon upang mas mapabilis ang pag-detect at pag-anunsyo ng mga posibleng aftershocks at paparating na lindol.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica