Ina ng 3 batang nasawi sa sunog sa QC, labis ang hinagpis: "Bakit ang mga anak ko?"

Ina ng 3 batang nasawi sa sunog sa QC, labis ang hinagpis: "Bakit ang mga anak ko?"

  • Labis ang paghihinagpis ng isang ina sa Quezon City matapos makumpirmang ang kinahinatnan ng kanyang mga anak
  • Hindi agad nakita ang tatlong bata sa mga nakaligtas sa sunog bagay na lalong ikinapangamba ng ina
  • Kalaunan, kinumpirmang hindi nakaligtas at nasawi nga ang tatlo sa sunog
  • Sinasabing natutulog ang tatlong bata nang sumiklab ang sunog sa kanilang lugar

Labis ang pagdadalamhati ng isang ina matapos makumpirmang kabilang sa mga nasawi ang kanyang tatlong anak sa isang sunog na sumiklab sa kanilang lugar sa Barangay Sto. Domingo, Quezon City, umaga ng Martes, Oktubre 14, 2025.

Ina ng 3 batang nasawi sa sunog sa QC, labis ang hinagpis: "Bakit ang mga anak ko?"
Ina ng 3 batang nasawi sa sunog sa QC, labis ang hinagpis: "Bakit ang mga anak ko?" (ABS-CBN News)
Source: Facebook

Kinilala ang inang si Jeanine Pauline Miñoza, 30-anyos, na halos hindi makapaniwala nang malaman na ang kanyang mga anak, dalawang lalaki at isang babae na may edad 10, 7, at 5 — ay hindi nakaligtas sa trahedya.

Ayon sa mismo kay Jeanine, natutulog umano ang mga bata nang magsimula ang apoy sa kanilang tahanan.

Sa panayam ng ABS-CBN News, ibinahagi ni Jeanine na iniwan nilang mag-asawa ang mga bata upang pumunta sa isang ospital sa Maynila para asikasuhin ang CT-scan ng kanyang inang may karamdaman na umano'y kasama ng mga bata sa kanilang tahanan gayundin ang ilan nilang kaanak.

Read also

Mag-ina patay matapos masalpok ng kotse habang sakay ng motorsiklo sa Ilocos Sur

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Hindi nila inasahan na sa kanilang pag-alis ay magaganap ang trahedyang babago sa kanilang buhay.

Bakit, bakit ang mga anak ko?” ang umiiyak na sambit ni Miñoza habang napalupasay sa lupa nang kumpirmahin ng mga awtoridad na ang kanyang tatlong anak ay kabilang sa mga biktimang nasawi sa sunog.

Una nang umasa si Jeanine na buhay pa ang mga anak na noo'y hindi pa lamang nila noon matagpuan.

Patuloy na iniimbestigahan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sanhi ng naturang sunog na umabot sa ikatlong alarma bago nasabing fire under control. Samantala, patuloy namang binibigyan ng tulong at counselling ang pamilya Miñoza ng lokal na pamahalaan ng Quezon City.

Samantala, bukod sa sunog, kamakailan lamang ay niyanig naman ng magkakasunod na mga lindol ang ilang bahagi ng Pilipinas, na nagdulot ng pangamba sa mga residente at pansamantalang pagkasira ng ilang estruktura. Isa sa mga malakas na pagyanig ay naitala sa Mindanao, partikular sa Davao Occidental, na may lakas na 6.2 magnitude ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS). Ramdam ang lindol sa mga karatig-probinsya tulad ng General Santos at South Cotabato, kung saan ilang gusali ang nagkaroon ng bitak at pansamantalang sinuspinde ang klase at trabaho para sa kaligtasan ng publiko. Sa kabutihang palad, walang napaulat na nasawi, ngunit ilang residente ang nagtamo ng minor injuries dahil sa pagtakbo palabas ng kanilang mga tahanan.

Read also

Fetus natagpuan sa loob ng kahon ng sapatos sa tambak ng basura sa Quezon City

Sa Luzon naman, nakaranas din ng mahihinang pagyanig ang ilang bahagi ng Central at Northern Luzon nitong mga nakaraang araw. Ayon sa PHIVOLCS, ito ay bahagi ng normal na seismic activity ng bansa dahil matatagpuan ang Pilipinas sa Pacific Ring of Fire. Patuloy ang paalala ng ahensya sa publiko na laging maging handa at magtakda ng emergency plan sa bawat pamilya. Kasalukuyan ding naglalagay ng mga karagdagang seismograph ang PHIVOLCS sa ilang rehiyon upang mas mapabilis ang pag-detect at pag-anunsyo ng mga posibleng aftershocks at paparating na lindol.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica