Dating titser at arkitekto na ngayo'y namamalimos, umantig sa puso ng netizens

Dating titser at arkitekto na ngayo'y namamalimos, umantig sa puso ng netizens

  • Umantig sa puso ng marami ang kwento ng dating teacher at artitekto na ngayon ay namamalimos sa tabi ng kalye
  • Nausisa ng One PH bakit niya ito ginagawa gayung isa naman siyang propesyunal
  • Subalit nang mailahad ang dahilan, tila naunawaan siya ng marami
  • Napaabutan na rin siya ng tulong ng mga nakakilala sa kanya lalong-lalo na ng kanyang dating mga naging estudyante

Viral ngayon sa social media ang isang video ng dating titser at lisensyadong arkitekto na kinilalang si Gilbert Pangyarihan, matapos siyang mamataang namamalimos upang maitaguyod ang anak niyang may autism.

Ayon sa kanya, nagsimula ang matinding dagok sa kanilang buhay nang pumanaw ang kanyang asawa noong 2022.

Dating titser at arkitekto na ngayo'y namamalimos, umantig sa puso ng netizens
Gilbert Pangyarihan (One PH)
Source: Facebook

Si Pangyarihan ay nagtapos ng Architecture degree sa University of the Philippines–Diliman at nakapagturo bilang part-time teacher matapos magtrabaho sa ibang bansa bilang dissertation writer.

Sa kabila ng kanyang propesyon, hindi na niya nakayang ipagpatuloy ang pagtuturo at pagbabalik-trabaho dahil sa kawalan ng mapag-iiwanan sa anak na nangangailangan ng espesyal na atensyon.

Read also

Juliana Parizcova, ibinahagi ang laban sa stroke at ang kanyang pagbabalik-entablado

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Bagama’t may dalawa pa siyang anak, tiniyak niyang ayaw niyang maging pabigat sa kanila, lalo na’t malaki ang sakripisyong kaakibat ng pag-aalaga sa anak na may special needs.

Bukod sa pagkawala ng asawa, nalugi rin siya sa isang lending business na dati niyang pinagkakakitaan.

Wala rin siyang natatanggap na pensyon dahil hindi umabot sa 12 taon ang kanyang pagtatrabaho sa bansa.

Sa kabila ng lahat, nananatili ang kanyang pagmamahal at dedikasyon sa anak.

“Hindi ko kayang maglagay sa care home, saka mahal ko din ‘yan kasi anak ko ‘yan. Sabay na lang kaming made-deadbol,” emosyonal niyang pahayag.

Samantala, ilang dating estudyante niya ang nagpaabot na ng tulong matapos mag-viral ang kanyang kuwento, na umantig sa damdamin ng maraming netizen.

Narito ang kabuuan ng kanyang kwento mula sa One PH:

Samantala, marami na ring kwento ang umantig sa ating puso tungkol sa pagtulong ng mga dating estudyante sa kanilang naging teacher. Isa na rito ang 77-anyos na dating teacher na si Jose Villarruel sa California na naninirahan na lamang umano noon sa kanyang kotse. Nang malaman ng isa sa kanyang mga naging estudyante ang kanyang kalagayan, naisipan nitong ibahagi ang kanyang kwento sa social media upang makahingi na rin ng tulong para sa kanya. Kaya naman sa kanyang kaarawan, kasama ng mga nagtipon-tipong mag-aaral ni Teacher Jose, sinurpresa nila ito at iniabot ang nalikom na tulong. “I’m still trying to digest the entire experience, it’s extraordinary, totally unexpected," pahayag ng teacher na tila hindi makapaniwala sa natanggap na biyaya at labis na naging emosyonal sa espesyal na araw niyang ito.

Read also

6 anyos, patay matapos aksidenteng mabaril ng sariling ama sa Negros Occidental

Sa Pilipinas, isa ring dating estudyante na may ginintuang puso ang dumulog sa programang Raffy Tulfo in Action upang mabigyang tulong ang kanyang naging teacher upang maipagamot gayung mayroon itong stage 4 cancer. Kwento ng dating mag-aaral, mabuti sa kanya ang kanyang ma'am na itinuring na niyang parang tunay na ina. Ito raw ang sumusuporta sa kanya sa tuwing kinakapos siya ng pambaon o pamasahe para lang makapasok sa paaralan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica