12 pulis, kinasuhan matapos mamatay ang lalaki sa convenience store incident sa Pasay

12 pulis, kinasuhan matapos mamatay ang lalaki sa convenience store incident sa Pasay

  • Isang lalaki na kinilalang si John Paul Magat mula Pampanga ang namatay matapos maaresto at ma-restrain ng pulis sa loob ng isang convenience store sa Pasay City
  • Labindalawang pulis mula sa iba’t ibang yunit ang nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in h0micide habang dalawa sa kanila ay may dagdag pang kaso ng maltreatment of prisoners
  • Base sa forensic exam, ang sanhi ng pagkamatay ni Magat ay asphyxia dahil sa manual strangulat!on, taliwas sa paunang finding na natural death o heart attack
  • Lahat ng 12 pulis ay tinanggalan ng baril, inalis sa pwesto, at isasailalim sa administrative holding habang nagpapatuloy ang parallel investigation ng Internal Affairs Service

Kinasuhan ng reckless imprudence resulting in h0micide ang labindalawang pulis matapos mamatay ang isang lalaki na kanilang inaresto at na-restrain sa isang convenience store sa Pasay City noong Agosto 5.

12 pulis, kinasuhan matapos mamatay ang lalaki sa convenience store incident sa Pasay
12 pulis, kinasuhan matapos mamatay ang lalaki sa convenience store incident sa Pasay (📷Pexels)
Source: Facebook

Kinilala ng pulisya ang biktima bilang si John Paul Magat mula sa Macabebe, Pampanga. Ayon kay PCol. Joselito de Sesto, nagkaroon ng kaguluhan sa naturang tindahan nang pumasok sa stockroom si Magat at nagwala habang naninira ng gamit. Dahil dito, agad na tumawag ng saklolo ang mga empleyado ng convenience store.

Read also

Robbery attempt nauwi sa pamamaril: Pulis patay, dalawang sibilyan sugatan sa Pasay

Agad na rumesponde ang mga tauhan ng Pasay City Police Substation 5, Southern Police District Mobile Force Battalion (SPD-MFB), at NCRPO Mobile Force Battalion. Sa kuha ng CCTV, makikitang dalawang tauhan ng SPD-MFB ang dumagan at pumigil kay Magat para magawan ng posas.

Pagkatapos madala sa Substation 5 para sa documentation, nagsimulang magreklamo si Magat ng hirap sa paghinga. Dinala siya kaagad sa Pasay City General Hospital ngunit idineklarang dead on arrival dakong 9:40 ng gabi.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa una, inakala ng mga doktor na natural death o heart attack ang sanhi ng pagkamatay. Ngunit kalaunan, lumabas sa forensic exam na ang ikinamatay ng biktima ay “asphyxia due to manual strangulat!on.” Nilinaw naman ni de Sesto na hindi ibig sabihin nito na sinakal ng kamay ang biktima. “Ang dahilan nito siguro nadaganan o kaya ano nadaganan 'yung leeg, parang ganon,” paliwanag niya. Dagdag pa niya, may mga bakas din ng pagdurugo sa baga at utak ng biktima.

Read also

3 rider, patay matapos mahagip ng truck na nawalan umano ng preno; mga biktima, nahulog pa sa bangin

Bukod sa kaso ng h0micide, haharap din sa kasong maltreatment of prisoners ang dalawang pulis mula SPD-MFB na siyang aktwal na pumigil kay Magat. Kasalukuyan namang inaalam ng Internal Affairs Service kung may pananagutan din ang mga nasabing pulis sa aspeto ng administratibo.

“Sa admin, malamang nito grave misconduct ang kaharapin nila,” ani de Sesto. Kasunod nito, inalis sa pwesto, tinanggalan ng armas, at inilagay sa administrative holding ang lahat ng 12 sangkot na pulis habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Bilang paalala, nagbigay ng babala si de Sesto sa mga commanders na bantayan ang kilos ng kanilang mga tauhan. “Kung na-restrain na, tama na ’yun. Huwag nang bibigyan pa ng ibang excessive force,” aniya.

Ang karapatan ng mga taong inaaresto ay malinaw na nakasaad sa batas: sila ay dapat arestuhin nang may respeto at walang labis na dahas. Bagama’t tungkulin ng pulis na panatilihin ang kaayusan at seguridad, may limitasyon ang paggamit ng puwersa. Sa kaso ni John Paul Magat, muling lumutang ang isyu tungkol sa tamang pamamaraan ng pag-aresto at pangangalaga sa mga suspek habang nasa kustodiya ng mga awtoridad. Ang ganitong mga insidente ay nagsisilbing paalala sa pangangailangang mas paigtingin ang police accountability at training para mapigilan ang sobrang paggamit ng puwersa.

Read also

Mag-live-in couple sa Davao del Sur, patay matapos ang karumal-dumal na pananaksak at pananaga

Kamakailan, dalawang lalaki na tumakas mula sa buy-bust operation ang napatay matapos makipagbarilan sa mga pulis sa isang checkpoint. Ayon sa ulat, pinaputukan umano ng mga suspek ang mga awtoridad, dahilan para gumanti ng putok ang mga pulis. Naisugod pa sila sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Samantala, isang robbery attempt sa Pasay ang nauwi sa pamamaril kung saan nasawi ang isang pulis at dalawang sibilyan ang nasugatan. Naganap ito nang tangkaing holdapin ng mga suspek ang isang establisyemento, ngunit agad silang nakipagbarilan sa mga rumespondeng awtoridad. Patuloy pa ring iniimbestigahan ang nasabing insidente ng Pasay police.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate