Robbery attempt nauwi sa pamamaril: Pulis patay, dalawang sibilyan sugatan sa Pasay

Robbery attempt nauwi sa pamamaril: Pulis patay, dalawang sibilyan sugatan sa Pasay

  • Isang pulis mula sa District Tactical Operations Center ng MPD ang binaril sa Pasay City
  • Ayon sa pulisya, ang insidente ay nagsimula sa tangkang pagnanakaw ng kuwintas ng biktima
  • Ang gunman ay agad tumakas, habang ang kasamang motorcycle driver ay naaresto sa hot pursuit
  • Dalawang sibilyan na nadamay sa barilan ang sugatan ngunit nasa ligtas na kondisyon na ngayon

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Isang trahedya ang naganap sa Pasay City matapos barilin at mapatay ang isang 39-anyos na pulis mula sa District Tactical Operations Center (DTOC) ng Manila Police District sa isang tangkang pagnanakaw nitong Sabado ng gabi, Agosto 23.

Robbery attempt nauwi sa pamamaril: Pulis patay, dalawang sibilyan sugatan sa Pasay
Robbery attempt nauwi sa pamamaril: Pulis patay, dalawang sibilyan sugatan sa Pasay (📷Pexels)
Source: Facebook

Ayon sa ulat, ang insidente ay nangyari bandang alas-8 ng gabi sa kahabaan ng Taft Avenue corner Primero de Mayo Street sa Barangay 90 habang naghihintay ang biktima sa kanyang asawa.

Sa kuha ng CCTV na nakuha ng ABS-CBN News, makikitang nakaupo ang pulis sa kanyang motorsiklo nang lapitan siya mula sa likuran ng isang lalaking nakasuot ng helmet. Agad nitong binunot ang baril, ngunit mabilis ring nakapaghanda ang biktima at nakabunot ng sariling armas bago tumakbo.

Read also

Traffic enforcer nagsampa ng kaso laban sa babaeng driver na abogado sa Cavite

Nagkaroon ng maikling palitan ng putok, ngunit ilang beses tinamaan ang opisyal hanggang sa bumagsak siya sa bangketa. Mabilis na tumakas ang gunman matapos ang pamamaril.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Naisugod pa sa ospital ang biktima, ngunit idineklarang dead on arrival matapos magtamo ng hindi bababa sa apat na tama ng bala.

Ayon kay Police Col. Joselito De Sesto, hepe ng Pasay City Police, ang motibo ng insidente ay robbery.

“Ito po kasing mga suspek natin, umikot na po sila. Nakita nila na merong kwintas, umikot sila tapos dumaan sa likod. At that time, akmang kukunin ng suspek ‘yong necklace napansin naman ng ating victim, lumayo siya sabay bunot,” paliwanag ni De Sesto.

Dagdag pa niya, posibleng konektado ang insidente sa kaparehong modus na nangyari sa Makati kamakailan kung saan isang intelligence officer mula sa Highway Patrol Group ang binaril din.

“Kasi pare-parehas po ‘yong kanilang modus operandi. Kukunin ang gamit, kapag pumalag babarilin,” dagdag ni De Sesto.

Read also

3 rider, patay matapos mahagip ng truck na nawalan umano ng preno; mga biktima, nahulog pa sa bangin

Isang street sweeper ang nakasaksi sa pangyayari at ikinuwento ang matinding takot na nadama niya habang nakikita ang pamamaril.

“Nangangatog na nga ho ako. Sobrang nerbyos gano’n. Nakabulagta na po ‘yong pulis… Talagang diretso higa na siya e,” ayon sa saksi.

Dalawa pang sibilyan na sakay ng tricycle na dumadaan sa lugar ang nadamay at tinamaan sa barilan, ngunit agad na naisugod sa ospital at ngayon ay nasa ligtas na kondisyon.

Sa isinagawang hot pursuit operation, naaresto ng Pasay City Police ang driver ng motorsiklong ginagamit ng mga suspek. Gayunpaman, nananatiling pinaghahanap ang mismong gunman na bumaril sa biktima.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nauwi sa pamamaril ang isang pangkaraniwang sitwasyon. Sa isang ulat ng Kami.com.ph, dalawang lalaki ang sugatan matapos mauwi sa barilan ang isang inuman sa Antipolo. Nagkaroon ng mainit na pagtatalo na humantong sa putukan, bagay na ikinataranta ng mga residente.

Sa isa pang insidente, iniulat din ng Kami.com.ph na isang kantahan sa videoke bar sa Iloilo ang nauwi sa pamamaril kung saan isang lalaki ang nasawi. Ang kasiyahan sana ng mga bisita ay nauwi sa trahedya dahil sa alitan, na kagaya ng insidente sa Pasay ay nagdulot ng takot at pangamba sa mga residente.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate