Chinese national huli sa NAIA matapos magpanggap na Pilipino gamit ang pekeng identity
- Immigration officers naharang ang Chinese national na si Chen Zhong Zhen sa NAIA matapos magpanggap bilang Pilipino
- Nadiskubreng gumagamit siya ng Philippine passport at iba’t ibang local IDs na nakuha sa kahina-hinalang paraan
- Fingerprint records nagpatunay na siya ay banyaga na dating holder ng long-term visa at Alien Certificate of Registration
- Haharap si Chen sa deportation case at kasalukuyang nakakulong sa detention center ng BI sa Taguig
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Isang 60-anyos na Chinese national ang naharang ng immigration officers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos madiskubreng matagal na pala itong nagpapanggap na isang Pilipino gamit ang Philippine passport at iba’t ibang lokal na ID.

Source: Original
Kinilala ang dayuhan na si Chen Zhong Zhen, na dumating sa NAIA Terminal 3 mula Hong Kong noong Agosto 21. Batay sa mission order na inisyu laban sa kanya, agad siyang pinigil ng mga tauhan ng Bureau of Immigration matapos makakuha ng ulat na nakakuha siya ng mga dokumento ng pagiging Pilipino sa kahina-hinalang paraan.
Sa kanyang pagdating, ipinakita ni Chen ang isang Philippine passport na na-isyu noong 2021, pati na rin ang iba pang government-issued IDs na pawang nagsasabing isa siyang Filipino citizen. Ngunit nang masusing beripikahin ng Alien Registration Division, lumabas na ang kanyang fingerprints ay kapareho ng isang Chinese national na dating may long-term visa at Alien Certificate of Registration sa bansa.
Nabatid din na si Chen ay nagtatag ng ilang negosyo sa Pilipinas at aktibo pa sa mga economic at business organizations. Gayunpaman, nilinaw ng mga opisyal na hindi maaaring maging ganap na Filipino citizen ang isang banyaga kung hindi ito dumaan sa tamang proseso ng naturalization.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
“Without naturalization, a foreign national is not eligible to get Philippine citizenship documents. Government intelligence sources have reason to believe that this is another case of assumed Philippine identity, similar to that of Alice Guo,” pahayag ni BI spokesperson Dana Sandoval Viado.
Sa ngayon, nahaharap si Chen sa kasong deportation dahil sa misrepresentation at kasalukuyang nakakulong sa Bureau of Immigration detention center sa Bicutan, Taguig habang nagpapatuloy ang legal na proseso.

Read also
3 rider, patay matapos mahagip ng truck na nawalan umano ng preno; mga biktima, nahulog pa sa bangin
Ayon sa mga imbestigador, ang sitwasyon ay posibleng bahagi ng mas malawak na problema ng ilang banyagang lumulusot sa sistema gamit ang mga pekeng dokumento ng pagkakakilanlan.
Ang naturalization ay isang legal na proseso kung saan binibigyan ng karapatang maging mamamayan ng Pilipinas ang isang banyaga. Dumadaan ito sa masusing pagsusuri at pag-apruba ng korte. Kung hindi dumaan sa prosesong ito, anumang dokumento ng pagiging Filipino na hawak ng isang banyaga ay itinuturing na hindi balido.
Kamakailan lamang ay naging mainit ang diskusyon tungkol sa mga banyagang nag-aangkin ng Filipino identity matapos ang kontrobersyal na kaso ni Alice Guo, dahilan upang mas maging masigasig ang mga awtoridad sa pagtutok sa ganitong uri ng modus.
Sa isang ulat ng Kami.com.ph, isang Chinese national din ang naging biktima ng holdapan sa Bonifacio Global City (BGC) kung saan tinangay ng mga armadong salarin ang kanyang mamahaling Rolex watch at Tiffany necklace. Ang insidente ay nagpakita ng panganib na kinakaharap ng ilang banyagang negosyante at residente sa bansa.
Samantala, dalawang Chinese nationals naman ang naaresto sa Makati matapos mahulihan ng mga illegal firearms. Ang operasyon ay nagsilbing babala sa mga banyagang gumagawa ng ilegal na aktibidad sa bansa na hindi sila ligtas sa mahigpit na pagbabantay ng mga awtoridad.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh