Magsasaka sa Quezon, pumanaw matapos sumabog ang ipinagyabang na dinamita

Magsasaka sa Quezon, pumanaw matapos sumabog ang ipinagyabang na dinamita

  • Isang magsasaka sa Quezon ang nasawi matapos sumabugan ng improvised dinamita na ipinakita at sinindihan pa niya mismo habang nakikipag-inuman kasama ang kaniyang mga kaibigan
  • Ayon sa imbestigasyon, kinuha ng biktima mula sa kaniyang bahay ang dinamita at ipinagyabang ito sa gitna ng kasiyahan bago naganap ang malakas na pagsabog na nagdulot ng matinding pinsala sa kaniyang katawan
  • Agad na naisugod ang magsasaka sa ospital matapos magtamo ng grabeng sugat sa mga kamay at iba pang bahagi ng katawan ngunit hindi rin kinaya ng kaniyang katawan at kalauna’y binawian din ng buhay
  • Hinala ng pulisya, ginagamit ng biktima ang improvised dinamita para sa dynamite fishing, isang ilegal na paraan ng pangingisda na matagal nang problema at talamak pa rin sa ilang komunidad sa lalawigan

Trahedya ang sinapit ng isang magsasaka matapos masabugan ng improvised dinamita sa kalagitnaan ng isang inuman kasama ang kaniyang mga kaibigan.

Magsasaka sa Quezon, pumanaw matapos sumabog ang ipinagyabang na dinamita
Magsasaka sa Quezon, pumanaw matapos sumabog ang ipinagyabang na dinamita (đź“·Pexels)
Source: Facebook

Base sa imbestigasyon, nagkakasiyahan umano ang biktima at kaniyang mga kainuman nang maisipan nitong ipakita ang dala niyang dinamita na nakatago sa kanilang bahay. Hindi pa nakuntento ang magsasaka at sinindihan pa ang nasabing pampasabog. Ilang sandali pa, isang malakas na pagsabog ang yumanig sa kanilang lugar.

Read also

Yen Santos, nagbigay ng pahayag para sa kanyang mga bashers

Tumama ang tindi ng pagsabog sa kaniyang mga kamay at katawan. Agad siyang isinugod sa ospital at nakaligtas pa ng ilang oras, ngunit kalaunan ay pumanaw din dahil sa matinding pinsala.

Ayon sa pulisya, malaki ang posibilidad na ginagamit ng biktima ang dinamita para sa dynamite fishing—isang ilegal na paraan ng pangingisda na matagal nang talamak sa ilang bahagi ng Quezon.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang dynamite fishing ay isang ilegal at mapanganib na paraan ng pangingisda kung saan gumagamit ng pampasabog para madaling makahuli ng isda. Bagama’t mabilis ang kita, malaki ang pinsalang dulot nito sa dagat—sinisira ang mga coral reef, pumapatay maging sa maliliit na isda, at nagdudulot ng aksidente sa mga gumagamit. Sa kabila ng pagbabawal, nananatili itong problema sa ilang coastal communities dahil sa kakulangan ng kabuhayan at mahina ang pagpapatupad ng batas.

Ang dinamita at iba pang uri ng pampasabog ay hindi basta laruan o bagay na puwedeng ipagyabang sa inuman. Ginawa ang mga ito para sa tiyak na gamit gaya ng konstruksyon, demolition, o regulated na pangingisda noon pa mang unang panahon. Ngunit sa maling paggamit, lalo na kung walang sapat na kaalaman at proteksiyon, nagiging lantad sa aksidente at trahedya ang sinumang humahawak nito.

Read also

9-anyos mula Iligan City, nagising matapos ma-coma dahil umano sa pambubugbog

Hindi ito ang unang insidente ng pagsabog na nauwi sa trahedya. Nitong Pebrero, isang 15-anyos na binatilyo ang namatay matapos mapagkamalang gold bar ang isang vintage bomb na kanilang nilagari. Sa halip na kayamanan, trahedya ang natamo nang biglang sumabog ang lumang bomba at ikinasawi ng menor de edad. Basahin ang buong detalye rito.

Sa isa namang insidente nitong Hulyo, isang tindero ng almusal ang nalapnos ang buong katawan matapos sumabugan ng LPG. Ayon sa ulat, nagkaroon ng gas leak na naging sanhi ng malakas na pagsabog. Ang pangyayaring ito ay nag-iwan ng aral hinggil sa panganib ng kapabayaan sa paggamit ng mga mapanganib na kagamitan. Basahin ang ulat dito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate