Tindero ng almusal, nalapnos ang buong katawan matapos masabugan ng LPG
- Nalapnos ang buong katawan ng isang lalaki matapos siyang masabugan ng LPG
- Ang insidente ay nangyari sa Acacia Stree, Barangay 871, Pandacan Manila
- Kuha ng CCTV ng barangay na ibinahagi ng 'Unang Balita' sa GMA 7, kitang-kita ang isang lalaki na tumatakbo palabas habang nasusunog ang katawan
- Nalapnos ang buong katawan ng 41-anyos na biktima na agad ginising ang kanyang 2 anak para humingi ng tulong
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Source: Youtube
Nalapnos ang buong katawan ng isang lalaki matapos sumabog ang LPG tank sa kanilang bahay.
Nangyari ang insidente sa Acacia Street, Barangay 871, Pandacan, Maynila.
Sa CCTV video na ibinahagi ng "Unang Balita" ng GMA 7, makikita ang lalaki na tumatakbo palabas habang naglalagablab ang kanyang katawan.
Agad niyang ginising ang dalawa niyang anak upang humingi ng tulong matapos masunog ang kanyang katawan.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ayon sa ulat, nangyari ang pagsabog habang naghahanda ng almusal ng kanya sanang ibebenta.
Gamit ang fire extinguisher, agad nilang sinubukan na apulahin ang apoy.
Sa panayam kay Kagawad Peter Asirit, kumuha daw ang biktima ng kumot at kanya itong binasa upang ipantakip sa kalan.
Nagbayanihan naman ang mga residente upang apulahin ang apoy upang hindi na ito kumalat pa at upang walang ibang bahay na madamay.
Sakto pa na nabagsakan ng nasusunog na lona ang biktima kaya lalong nadagdagan ang kanyang lapnos sa katawan.
Agad ding isinakay sa barangay mobile ang biktima at dinala siya sa pagamutan.
Ayon sa anak ng biktima na si Anicka Benito, hindi raw agad tinanggap sa hospital ang kanyang tatay at hindi pa binigyan ng paunang lunas.
Kinalaunan ay tinanggap ang biktima sa Philippine General Hospital at makalipas ang 11 oras na operasyon ay idineklara nang stable ang kanyang kondisyon.
Panuorin ang ulat sa bidyong ito:
Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh