Lasing na driver, sangkot sa salpukan na ikinamatay ng pasaherong babae sa Pampanga

Lasing na driver, sangkot sa salpukan na ikinamatay ng pasaherong babae sa Pampanga

  • Isang babaeng pasahero ng motorsiklo ang nasawi matapos itong banggain ng isang kotse sa isang intersection sa Lubao, Pampanga
  • Ayon sa CCTV, nakahinto ang motorsiklo at may signal light bago ito salpukin ng mabilis na sasakyan mula sa likod
  • Kinilala ng pulisya ang driver ng kotse bilang isang 35-anyos na lalaki na nagpositibo sa alcohol test at ngayo’y nakakulong
  • Lokal na pamahalaan ng Lubao nagpatupad na ng safety measures sa highway at nagpaplanong bumili ng speed gun at breath analyzer

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Isang babaeng sakay ng motorsiklo ang nasawi matapos salpukin ng mabilis na kotse sa intersection ng Jose Abad Santos Avenue sa Barangay Sto. Tomas, Lubao, Pampanga nitong Huwebes, Hulyo 9, 2025.

Lasing na driver, sangkot sa salpukan na ikinamatay ng pasaherong babae sa Pampanga
Lasing na driver, sangkot sa salpukan na ikinamatay ng pasaherong babae sa Pampanga ('📷Lubao MPS via GMA Regional TV)
Source: Original

Batay sa kuha ng CCTV mula sa lugar, makikitang huminto ang motorsiklo malapit sa kanto ng intersection para lumiko pakaliwa, habang may nakabukas itong signal light. Ngunit ilang saglit lang, isang mabilis na kotse ang sumalpok mula sa likod na nagpalipad sa dalawang sakay ng motorsiklo. Agad silang isinugod sa ospital, ngunit idineklarang dead on arrival ang 30-anyos na babaeng pasahero.

Ayon kay PLtCol. Dederick Relativo ng Lubao Police Station, malinaw sa kuha ng CCTV na nakahinto ang motorsiklo at may signal light ito bago mabangga. “Here comes ‘yung vehicle 2, dire-diretso, nabangga niya ‘yung motorsiklo causing of the untimely death ng passenger,” aniya.

Patuloy namang nagpapagaling sa ospital ang 25-anyos na lalaking nagmamaneho ng motorsiklo, na mula sa Bulacan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kinumpirma rin ng mga awtoridad na positibo sa alcohol ang 35-anyos na driver ng kotse na ngayon ay nasa kustodiya na ng pulisya. Kinasuhan siya ng reckless imprudence resulting in h0micide and serious physical injury.

Sa datos mula sa Lubao police, walo na ang nasawi at 33 ang nasugatan sa mga aksidente sa Jose Abad Santos Avenue mula Nobyembre 2024 hanggang Hulyo 2025. Dahil dito, nagpatupad na ng mga hakbang ang lokal na pamahalaan upang mapigilan ang karagdagang insidente.

Ayon kay Mayor Esmie Pineda, naglagay na sila ng mga traffic signs, reflectors, at solar studs sa kabuuang 17 kilometro ng highway. “Kapag yellow, dapat mag-slow down ka at hindi ka puwedeng mag-overtake,” dagdag niya. Plano rin ng LGU na bumili ng speed gun at alcohol breath analyzer upang mas mahigpit na mapatupad ang batas trapiko.

Ang pagmamaneho nang lasing ay isa sa pangunahing sanhi ng mga aksidente sa kalsada sa bansa. Sa kabila ng pagkakaroon ng Anti-Drunk and Drugged Driving Act (RA 10586), marami pa ring kaso ng mga motorista na nahuhuli o nasasangkot sa insidente dahil sa impluwensiya ng alak.

Noong mga nakaraang buwan, naging laman ng balita ang ilang insidente ng drunk driving na humantong sa kamatayan ng mga inosenteng sibilyan.

Sa ulat ng Kami, isang opisyal ng LTO ang na-dismiss matapos masangkot umano sa isang insidente ng drunk driving. Ang naturang opisyal ay hindi agad nakilala, ngunit naging viral ang video ng kanyang umano’y kahina-hinalang asal habang nakikipagtalo sa ibang motorista.

Isa ring trahedya ang nangyari sa dalawang babaeng sakay ng motorsiklo na nasawi matapos bumangga sa SUV. Naitala ito bilang isa sa mga malulubhang aksidente ngayong taon na may kinalaman sa banggaan ng motorsiklo at mas malaking sasakyan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate