Whamos Cruz, nagpasalamat matapos siyang sumailalim sa operasyon

Whamos Cruz, nagpasalamat matapos siyang sumailalim sa operasyon

  • Matagumpay ang isinagawang operasyon kay Whamos Cruz dahil sa iniindang luslos na nagsimula pa raw noong bata siya
  • Nagpasalamat siya sa Diyos, sa mga doktor at nars, at sa kanyang asawang si Antonette Gail na palaging nasa tabi niya
  • Ibinahagi rin ng mag-asawa sa isang vlog na umabot ng mahigit P400,000 ang kanilang hospital bill
  • Sa kabila ng mahal na gastos, masaya si Whamos na natanggal na ang matagal niyang iniinda at umaasang makakabalik na agad sa trabaho

Si Whamos Cruz, ang kilalang content creator at vlogger, ay matagumpay na sumailalim sa isang operasyon para sa kanyang luslos. Ayon sa kanyang partner na si Antonette Gail, matagal na raw iniinda ni Whamos ang kanyang kondisyon—mula pa noong bata siya—at ngayon lamang ito napagdesisyunang ipagamot nang tuluyan.

Whamos Cruz, nagpasalamat matapos siyang sumailalim sa operasyon
Whamos Cruz, nagpasalamat matapos siyang sumailalim sa operasyon (📷Whamoscruz/Facebook)
Source: Facebook

Sa kanyang social media post, nagpasalamat si Whamos sa lahat ng tumulong at nagpakita ng malasakit. “THANK YOU LORD😘 PAGALINGIN NYO PO AKO KAAGAD PARA MAKAPAG TRABAHO NAPO ULIT AKO❤️🙏🏻 THANK YOU PO SA LAHAT NG DOCTORS/NURSES NA NAG ALAGA SAKEN LALO NA SA MAHAL KONG ASAWA Antonette Gail,” saad niya. Dagdag pa niya, pinasalamatan din niya sina Jelai at Mommy, gayundin ang lahat ng nagpakita ng pag-aalala sa kanyang kalagayan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Bukod sa update sa kanyang kalusugan, ibinahagi rin nina Whamos at Antonette sa isang vlog ang kanilang naging karanasan sa ospital—kasama na ang halagang umabot sa mahigit ₱400,000 para sa operasyon at hospital stay. Sa gitna ng pagpapatawa, nagbiro pa ang vlogger na sana’y “ibalik na lang daw ng doktor ang tinanggal” dahil sa laki ng gastos. Gayunpaman, mas mahalaga raw sa kanya na wala na ang matagal na niyang iniinda.

Si Antonette naman ay hindi bumitaw sa tabi ng kanyang mister at patuloy na nagbigay ng suporta, mula sa pre-op hanggang sa recovery. Makikita sa kanilang video ang pagpapatawa pa rin ng dalawa kahit nasa ospital, isang patunay sa matatag nilang relasyon sa gitna ng seryosong pangyayari.

Si Whamos Cruz ay isa sa mga sikat na social media personalities sa Pilipinas. Nakilala siya sa TikTok, YouTube, at Facebook dahil sa kanyang mga nakakatawang content, vlogs, at dance videos. Bukod sa pagiging influencer, kilala rin siya sa pagiging isang mapagmahal na partner kay Antonette Gail at hands-on dad sa kanilang anak.

Tulad ng maraming public figures, dumaraan din siya sa iba't ibang pagsubok—mula sa kalusugan hanggang sa mga kontrobersya—ngunit nananatili siyang matatag at positibo sa kabila ng lahat.

Noong Mayo 2024, sinagot ni Whamos Cruz ang mga netizen na naghihinalang hindi siya ang biological father ng kanyang anak. Ayon kay Whamos, wala siyang dapat ikatakot at handa siyang magpa-DNA test. Pinanindigan niya ang pagiging ama at mahal niya ang kanyang anak anuman ang resulta.

Kasunod ng mga isyu, muling naglabas ng pahayag si Whamos na handa siyang dumaan sa DNA testing kasama ang anak para patunayan ang katotohanan. Bagama’t nasasaktan siya sa mga duda ng ibang tao, sinabi niyang ginagawa niya ito para sa katahimikan ng pamilya nila. Marami ring netizens ang nagpahayag ng suporta sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate