Rendon Labador, opisyal nang “Pambansang Coach" Kapulisan
- Opisyal nang tumanggap si Rendon Labador ng papel bilang fitness coach ng Philippine National Police
- Ipinahayag niya ito sa isang video mula sa Camp Crame kung saan nakapanayam niya ang media at mga opisyal
- Binatikos niya ang kasalukuyang routine ng mga pulis na kanya-kanya at walang sistema
- Hinimok niya ang PNP na sabayan ang ehersisyo ng tamang nutrisyon at bawasan ang kanin
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Isang bagong yugto sa career ni Rendon Labador ang nagsimula matapos niyang opisyal na maging fitness coach ng Philippine National Police (PNP). Sa isang video na ibinahagi niya sa kanyang Facebook page, makikita ang aktibong partisipasyon niya sa isang programa sa Camp Crame, Quezon City, kung saan ipinakita niya ang kanyang determinasyong mapabuti ang kalusugan at disiplina ng mga miyembro ng kapulisan.

Source: Facebook
“Tawagin n’yo akong ‘Ang Pambansang Coach ng Kapulisan,’” buong kumpiyansa niyang pahayag habang kausap ang media at ilang opisyal ng PNP. Kasama sa video si Police Brigadier General Marvin Joe C. Saro, na tahasang nagtanong kay Rendon kung paano mababawasan ng mga pulis ang kanilang belly fat — isang isyung madalas daw nilang marinig sa mga kasamahan sa hanay.
Sa panayam, inilahad ni Rendon ang mga kakulangan ng kasalukuyang routine ng kapulisan. “Ang ginagawa daw kasi nila, kaniya-kaniya,” aniya. Marami sa mga pulis ay may kanya-kanyang oras at sariling pinipiling exercise. Ngunit ayon kay PBGEN Saro, kahit may mga aktibidad na gaya ng basketball at zumba, hindi raw ito epektibo dahil walang koordinadong sistema at madaling mawala ang motibasyon.
Dahil dito, iminungkahi ni Rendon ang isang structured at sabayang training program para sa buong kapulisan. “Gagawin natin ngayon, sabay-sabay, pare-pareho, at babantayan natin ‘yung resulta,” aniya, na naglalayong magdulot ng mas malawak na disiplina at masusukat na resulta sa physical fitness ng mga pulis.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Hindi rin nakalimutang banggitin ni Rendon ang kahalagahan ng tamang nutrisyon, lalo na kung ang layunin ay magbawas ng taba sa tiyan. Ani niya, “kahit anong work-out natin, siyempre, kung hindi mo sasabayan ng tamang nutrition, baliwala din ‘yung gagawin natin.” Kaya naman malinaw ang unang payo niya sa mga alagad ng batas: “magbawas po kayo ng kanin.”
Kilala si Rendon Labador sa kanyang prangka ngunit motivational na estilo. Sa bagong papel na ito, layunin niyang magturo ng disiplina, consistency, at healthy habits para sa mas malusog na hanay ng kapulisan — isang tungkulin na kanyang tinanggap nang buong puso.
Si Rendon Labador ay isang kilalang fitness coach, entrepreneur, at motivational speaker na naging tanyag sa social media dahil sa kanyang no-holds-barred style ng pagpapayo sa fitness at buhay. Bukod sa pagbibigay ng workout tips, kilala rin siya sa kanyang malalakas na pahayag at kontrobersyal na posts na kadalasang viral online. Sa kabila ng kanyang tapang magsalita, marami pa rin ang sumusubaybay sa kanya dahil sa layunin niyang magbigay ng positibong pagbabago sa lifestyle ng mga Pilipino.
Sa isang nakakatawang post mula kay Diwata, ibinida niya ang kanyang alagang aso na pinangalanan niyang "Rendon." Ayon kay Diwata, malakas daw itong kumahol — dahilan para ibiro niyang bagay ang pangalan sa aso. Agad itong nag-viral sa social media at umani ng mga komento mula sa netizens na natuwa sa pagiging kwela ng content.
Sa isa pang balita, sinabi ni Rendon na nais niyang bumili ng unggoy at pinaplano niya raw itong pangalanang “Labador.” Biro niya, "tatawagin natin ‘Labador,’" na nagdulot ng aliw sa kanyang followers. Kilala si Rendon sa kanyang pabirong tono sa social media kaya’t ang post na ito ay agad na naging usap-usapan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh