Boss Toyo, may paliwanag kung bakit binili ang cutter ng “Imburnal Girl”

Boss Toyo, may paliwanag kung bakit binili ang cutter ng “Imburnal Girl”

  • Ibinahagi ni Boss Toyo ang dahilan kung bakit binili niya ang blade ng viral na "Imburnal Girl"
  • Sa panayam sa World Gin Day 2025 ng Ginebra San Miguel, sinabi ni Toyo na mas mabuting subukang baguhin ang pananaw ng kabataan sa positibong paraan kaysa pagbagsakan ng galit at paninisi
  • Inamin din ni Boss Toyo sa publiko na siya mismo ay dating drug addict sa loob ng sampung taon at nagbahagi siya ng kanyang inspirasyon sa pagbabagong-buhay na nais niyang ipamana sa iba
  • Ayon kay Toyo, ang kanyang personal na karanasan ang nagtulak sa kanya na umalalay sa mga kabataang naliligaw ng landas kagaya ni Rosemarie Peligrino, mas kilala sa social media bilang “Imburnal Girl”

Isang emosyonal at makahulugang pahayag ang binitawan ng kilalang content creator na si Boss Toyo nang tanungin siya tungkol sa kanyang tulong sa viral na "Imburnal Girl" na si Rosemarie Peligrino.

Boss Toyo, may paliwanag kung bakit binili ang cutter ng “Imburnal Girl”
Boss Toyo, may paliwanag kung bakit binili ang cutter ng “Imburnal Girl” (📷Boss Toyo/Facebook)
Source: Instagram

Sa isang media interview sa ginanap na World Gin Day 2025 ng Ginebra San Miguel, inilahad ni Toyo kung bakit niya binili ang ginamit na blade ng dalagita sa halagang P5,000, at kung bakit nagdagdag pa siya ng isa pang P5,000 para sa dalaga.

"Binigyan ko ng another P5,000 kasi alam mo naman 'yung mga may bisyo, malay mo..." aniya, sabay bigyang-diin na may mas epektibong paraan ng pagtulong sa halip na galit at panghuhusga. “Minsan kasi, the more na pinapagalitan mo 'yung mga ganun, the more na nagiging harsh sa kanila... Kapag hindi sila nagbago, sila naman ang mawawalan, hindi tayo.”

Sa parehong panayam, isiniwalat ni Toyo ang isang napaka-personal na bahagi ng kanyang buhay: siya ay dating drug addict sa loob ng 10 taon. Aniya, “As a confessed drug addict before... sinabi ko naman na wala talaga akong pinatunguhan.” Dagdag pa niya, malaking pagbabago sa kanyang buhay ang nangyari nang tuluyan na niyang iwan ang bisyo. “So, noong tinigil ko 'yun at naghanap ako ng bagong buhay, naging maayos ang buhay ko.”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ginamit ni Toyo ang kanyang plataporma at personal na karanasan para iparating ang mas malawak na mensahe ng pagbabagong-buhay at pag-asa. Hindi man tiyak kung magbabago si Peligrino, umaasa siyang makakatulong ang kanyang kabutihang-loob sa kahit papaano’y makapagbukas ng bagong daan para sa dalaga.

Ang event kung saan ito inilahad, ang World Gin Day 2025, ay ginanap sa Manila Diamond Hotel kung saan ang ballroom ay ginawang immersive travel-themed venue. May temang “Your World of Gin Experience,” ang event ay nagbigay ng kakaibang karanasan sa mga gin enthusiasts, influencers, celebrities at industry leaders. Pinakita rin dito ang dedikasyon ng Ginebra San Miguel sa pagkilala sa kulturang Pilipino at global appreciation ng gin.

Si Boss Toyo, o Christian Merck Grey sa tunay na buhay, ay isang content creator at online personality na kilala sa kanyang "Pinoy Pawnstars-style" na pagbili ng viral at makasaysayang items mula sa mga trending personalities. Maliban sa pagiging collector, kilala rin siya sa kanyang pagtulong sa mga taong nasa laylayan ng lipunan, lalo na ang mga viral personalities na madalas husgahan online. Ang kanyang misyon ay hindi lang mag-ipon ng content kundi magbukas din ng bagong tsansa para sa mga naliligaw ng landas.

Ayon sa ulat ng DSWD, nakatakdang isailalim sa rehabilitation program si Rosemarie Peligrino matapos ang matinding pambabatikos at viral videos kung saan siya ay nakitang gumagamit ng pinagbabawal na gamot at nagdadala ng blade. Sa ulat na ito, kinumpirma rin ng DSWD na patuloy ang monitoring sa kanyang kalagayan at nagbibigay sila ng psychosocial intervention. Layunin ng programa na matulungan si Rose na makabalik sa maayos na landas.

Isa pang ulat ng DSWD ang nagbigay ng update tungkol sa proseso ng rehabilitasyon na sinisimulan na para kay Rose. Inilahad dito na ang ahensya ay nagtutulungan sa mga concerned citizens at LGU upang matiyak ang kaligtasan at pagbangon ni Rose mula sa kanyang kasalukuyang sitwasyon. Bahagi ito ng mas malawak na kampanya ng gobyerno laban sa droga, lalo na sa mga kabataang apektado.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate