Babaeng inakalang patay, biglang bumangon at ngumiti—lasing lang pala

Babaeng inakalang patay, biglang bumangon at ngumiti—lasing lang pala

- Isang babae ang natagpuang nakadapa at walang malay sa gilid ng creek sa umaga ng June 2

- Ayon sa post ni Ma Agnes Cajefe sa Facebook, marami ang kinilabutan nang makita ang babae na nilalanggam at nilalangaw habang nakadapa at hindi gumagalaw

- Nagulat ang mga rumespondeng rescuers at mga residente nang biglang bumangon ang babae at ngumiti

- Ang insidente ay nagbigay babala tungkol sa panganib ng labis na pag-inom at ang kahalagahan ng pag-iingat sa mga pampublikong lugar

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nag-viral sa social media ang isang nakakagulat at mala-pelikula-sa-totoong-buhay na eksena matapos matagpuan ang isang babae na nakadapa at walang malay sa gilid ng creek sa isang lugar sa Pilipinas noong Lunes ng umaga, Hunyo 2, 2025.

Babaeng inakalang patay, biglang bumangon at ngumiti—lasing lang pala
Babaeng inakalang patay, biglang bumangon at ngumiti—lasing lang pala (📷Ma Agnes Cajefe/Facebook)
Source: Facebook

Sa unang tingin, inakala ng nakakita sa kanya na isa na itong bangkay dahil sa posisyon niya—nakadapa, nilalanggam at nilalangaw pa. Dahil sa matinding takot, agad na tumawag ng rescue ang concerned citizen.

Ibinahagi ng netizen na si Ma Agnes Cajefe ang mga larawan sa Facebook, at doon nga ay makikita ang babaeng tila wala nang buhay. Pero sa ikinagulat ng lahat—mga rescuers, residente, at mismong nag-post—biglang bumangon ang babae at ngumiti. Ayon sa caption ni Cajefe: "hindi pala ito p@tay kundi lasíng lang."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang insidente ay mabilis na naging viral at nauwi sa mga komentaryo tungkol sa responsableng pag-inom ng alak. Marami ang natuwa na buhay pala ang babae, pero marami rin ang nagbigay ng babala tungkol sa panganib ng sobrang paglalasing lalo na kung nag-iisa at nasa pampublikong lugar. Isa sa mga nagustuhang paalala sa post ay: "kaya dapat kung mag inum man tayo ay dapat mag tira tayo ng pang uwe natin para naman walang mangyareng masama satin."

Hindi na bago sa social media ang mga ganitong klase ng insidente kung saan isang pangyayari, sa unang tingin ay seryoso o trahedya, ay biglang babaliktad ang takbo dahil sa kakaibang twist. Dahil sa bilis ng impormasyon ngayon, ang mga ganitong balita ay agad na nauusisa, nagti-trending, at pinag-uusapan sa Facebook, TikTok, at X (dating Twitter). Lalo na kapag may "plot twist" na parang teleserye—siguradong uusok ang comment section.

Ngunit sa kabila ng aliw at gulat ng publiko, isa rin itong muling paalala na may kasamang responsibilidad ang pag-inom, at dapat ay may kasama o tagabantay upang maiwasan ang kapahamakan o maling akala na puwedeng humantong sa mas malala.

Isang trahedya ang nangyari sa Cavite matapos umanong madaganan ng lasing na ama ang kanyang bagong silang na sanggol habang natutulog. Ayon sa ulat, uminom ang ama bago matulog sa tabi ng kanyang anak at hindi namalayan na nahulog ito sa kanyang ibabaw. Dinala pa sa ospital ang bata ngunit idineklarang patay. Muling naging usap-usapan ito sa social media at nagbigay-diin sa panganib ng walang kontrol na paglalasing.

Isang lalaking umano'y lasing ang inaresto matapos banggain at araruhin ang isang tricycle gamit ang kanyang pickup sa General Santos City. Ayon sa mga pulis, tumakas pa umano ang driver kaya kinailangan nilang barilin ang gulong ng sasakyan upang mapigilan ito. Ligtas ang tricycle driver pero bahagyang nasugatan, habang humaharap sa kasong reckless driving at paglabag sa traffic laws ang suspect. Isa ito sa maraming insidente na naglalarawan ng kapahamakan dulot ng pagmamaneho habang lasing.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate