Javi Benitez, natanong tungkol sa kontrobersya nina Albee at Nikki Benitez: “Nag-viral ba?”

Javi Benitez, natanong tungkol sa kontrobersya nina Albee at Nikki Benitez: “Nag-viral ba?”

- Natanong si Congressman Javi Benitez tungkol sa mainit na isyu na kinasasangkutan ng kanyang mga magulang, sina Albee at Nikki Benitez, kung saan nadawit din ang ilang mga pangalan

- Sa kabila ng kontrobersyang kinakaharap ng kanyang pamilya, piniling manahimik ng batang kongresista at hindi naglabas ng anumang opinyon o pahayag tungkol sa mga isiniwalat ng kanyang ina sa VAWC complaint laban sa kanyang ama

- Hindi rin nagbigay ng pahayag ang kampo ng mga nabanggit at nadawit sa naturang isyu

- Sa gitna ng mainit na intriga, tila nanatiling chill si Javi Benitez at nag-post pa ng Instagram Story na nagpapakitang kumakain lang siya ng Cremia soft serve ice cream sa kabila ng mga naglalabasang isyu laban sa kanyang pamilya

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Tahimik ngunit tila may pahiwatig. Ganito ang naging dating ng reaksyon ni Negros Occidental 3rd District Representative Javi Benitez nang tanungin siya ng media ukol sa lumalalim na kontrobersya sa pagitan ng kanyang mga magulang — si Albee Benitez at Nikki Benitez — na nadawit pa ang ilang personalidad.

Javi Benitez, natanong tungkol sa kontrobersya nina Albee at Nikki Benitez: “Nag-viral ba?”
Javi Benitez, natanong tungkol sa kontrobersya nina Albee at Nikki Benitez: “Nag-viral ba?” (📷@javibenitezzz/IG)
Source: Instagram

Ayon sa ulat ng Bilyonaryo, tila hindi alam ni Javi agad kung tungkol saan ang tanong. “Statement saan?” ang una niyang sagot. Matapos maipaliwanag na ito ay patungkol sa isyu ng kanyang mga magulang na trending online, sagot naman niya ay: “Ooh okay. Nag-viral ba?” Ngunit sa huli, pinili ni Javi na huwag makisali sa usapin. Ang kanyang tanging tugon ay, “Wew… walang statement.”

Ang isyu ay nag-ugat mula sa VAWC complaint affidavit na isinampa ni Nikki Benitez laban kay Albee Benitez. Sa reklamo, binanggit niya ang diumano'y naging karelasyon ng kanyang dating asawa.

Mariing pinabulaanan ni Albee Benitez ang mga akusasyon. Sa kanyang pahayag, sinabi niyang “unsettling” ang pagdawit sa pangalan ng naturang personalidad at walang katotohanan ang mga sinasabing relasyon niya sa mga nabanggit. May ilan nang nagtanggol sa nadawit, kabilang ang social media personality na si Xian Gaza, na tinawag ang mga akusasyon ni Nikki na hindi makatarungan, at iginiit na matagal nang hiwalay ang mag-asawa.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Habang patuloy ang isyu, tila mas pinili ni Javi Benitez ang kapayapaan. Sa kanyang Instagram Story, ibinahagi niya ang simpleng larawan niya habang kumakain ng Cremia, isang Japanese soft ice cream, na tila nagpapahiwatig na hindi niya papatulan ang isyung kinasasangkutan ng kanyang pamilya.

Si Javi Benitez ay isang dating aktor at kasalukuyang kongresista ng 3rd District ng Negros Occidental. Anak siya ni Cong. Albee Benitez, kasalukuyang kinatawan ng Bacolod City, at ni Nikki Benitez. Bukod sa pagiging public servant, kilala si Javi sa kanyang lowkey lifestyle sa kabila ng pagiging bahagi ng prominenteng pamilya sa pulitika at showbiz.

Mariing itinanggi ni Albee Benitez ang mga alegasyon ng kanyang dating asawa. Ayon sa kanya, walang basehan ang mga akusasyon at mali ang pagkakadawit ng ilang pangalan sa isyu. Ipinunto rin niyang matagal na silang hiwalay ni Nikki.

Isinampa ni Nikki Benitez ang kaso sa gitna ng umano'y mga isyu ng pambababae ng kanyang dating asawa. Binanggit sa complaint ang ilang mga pangalan. Umani ito ng matinding reaksiyon sa social media.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot: