81 anyos na dating principal, natagpuang nangangalakal para panggastos sa araw-araw

81 anyos na dating principal, natagpuang nangangalakal para panggastos sa araw-araw

- Isang 81 anyos na dating principal ang ngayo'y pangangalakal ang ikinabubuhay

- Natagpuan siya ng dating estudyante ng paaralang minsan niyang pinamunuan

- Ayon pa sa dating estudyante, marami umano siyang natutunan sa sitwasyon ngayon ng dati nilang principal

- Hindi man daw ito humihingi ng tulong, malaking bagay daw dito ang pagmamalasakit na maibibigay ninoman

Usap-usapan ngayon sa social media ang viral na Facebook post ng isang babaeng netizen tungkol sa dati nilang principal na ngayon ay namumulot ng karton sa kalsada upang kahit papaano ay kumita.

Viral principal
Dating principal, natagpuang nangangalakal para may panggastos sa araw-araw (@clarisse5discountklook)
Source: TikTok

Ayon sa FB user na si Clarisse, labis siyang naantig nang muli niyang makita ang kanilang dating principal na si Elvira F. Barcelo, na minsang namuno sa paaralan nila noong siya ay nasa elementarya pa lamang.Ayon sa FB user na si Clarisse, labis siyang naantig nang muli niyang makita ang kanilang dating principal na si Elvira F. Barcelo, na minsang namuno sa paaralan nila noong siya ay nasa elementarya pa lamang.

Hindi raw niya inasahan na sa ganitong kalagayan niya muling makikita ang kanilang retired principal. Aniya, kasalukuyang naninirahan si Dr. Barcelo sa Brgy. San Juan, Morong, Rizal.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

“The lessons I learned while talking to our former school principal Dr. Elvira F. Barcelo: Life often teaches its most profound lessons in unexpected ways. One of the most eye-opening experiences I’ve had recently came from meeting a former school principal—once a respected leader in education—who now collects cartons to make ends meet at the age of 81,” ani Clarisse sa kanyang post."
“How does someone who once shaped young minds and led a school community end up walking the streets collecting recyclable boxes? But as I spent time speaking with her, I realized that her story was not one of loss or pity—it was one of resilience, humility, and wisdom."

Ikinuwento rin ni Clarisse ang mismong tagpo ng kanilang pagkikita:

“I saw her collecting the cartons from Chowking. I greeted her with a smile and hugged her as if I saw a long lost relative.

“Me: Dr. Barcelo! Principal sa MC when I was in elementary, hindi nyo po ako kilala pero kilala ko po kayo. Kumusta po?
“Dr. Barcelo: (Sobrang tuwa at may nakakilala sa kanyang estudyante) Eto okay naman. Matanda na, 81 na ako.”

Dagdag pa ni Clarisse, malayo na raw ang itsura ngayon ni Dr. Barcelo kumpara noong siya ay nasa eskwelahan pa.

“Looking at her, it was far from Dr. Barcelo that I used to know when I was in elementary. Back then she was always wearing high heels, lipstick and well-groomed hair. Full of life. Her name alone is so strong.
“Now, at age 81, she is collecting cartons, sometimes daw she is selling fruits sa palengke.”

Sa pagtatapos ng kanyang post, ibinahagi ni Clarisse ang mga aral na kanyang napulot mula sa muling pagkikita nila ng kanilang dating school head:

“Dignity Isn’t Defined by Your Job Title. She told me, ‘Work is work. If it’s honest, there’s dignity in it.’ She didn’t seem bitter. She didn’t dwell on what she had or what she lost. Instead, she carried herself with quiet pride. I learned that real dignity comes from within, not from titles or status.”

“Life Is Unpredictable. She never imagined that retirement would look like this. Life, she said, doesn’t always follow the script we write. Her message wasn’t one of fear, but of preparation and gratitude—live humbly, save when you can, and never take your current position for granted.”
“Even now, she told me she’s still learning. ‘Every day,’ she said, ‘I meet people I wouldn’t have talked to in my old life. I’ve learned more about life from the streets than I did in any staff room.’ That humility reminded me that education is a lifelong journey.
"Final Thought…From her, I learned that while life can change in unexpected ways, character, humility, and purpose endure.
“Her story reminded me to treat everyone with respect—because behind every face is a story far richer than we might guess.

Hindi man daw nanghihingi ang kanilang dating punungguro na patuloy na lumalaban ng patas sa buhay, si Clarisse na mismo ang nanawagan para sa mga may puso na nais pagmalasakitan sa anumang paraan si Dr. Barcelo.

“Those students who still remember her, if you can, please send help. Although she’s not asking for it, but as the saying goes ‘Ang paggawa ng mabuti ay walang maidudulot na masama.’”

Samantala, narito ang video ng kanilang pagkikita:

Samantala, sa kabila ng nakaaantig puso na kwento ni Dr. Barcelo na kinapulutan ng maraming aral, isang video ang nag-viral din ang isang eksena sa graduation ng Col. Ruperto Abellon National School (CRANS). Matatandaang umani ito ng samu't saring reaksyon mula sa netizens dahil sa mismong graduation ng mga mag-aaral, pinatatanggal ng kanilang punongguro ang toga na kanilang suot.

Kaugnay nito, hinangaan naman ang isa umanong teacher na sumubok na kumausap at pumigil sa umano'y eskandalong ginagawa ng punongguro sa isa sa mga maituturing na mahalagang araw sa buhay ng isang mag-aaral.

Abril 25, kinumpirma ng Malacañang na tuluyan nang sinibak sa serbisyo ang principal na sangkot sa viral na insidente kung saan pinatanggal umano nito ang toga ng mga estudyanteng nagsipagtapos. Matatandaang inireklamo si Principal II Venus Divinia Nietes ng Col. Ruperto Abellon National School (CRANS) matapos niyang ipag-utos di umano ang pagtanggal ng toga ng mga mag-aaral sa end-of-school-year (EOSY) ceremony ng paaralan noong Abril 15. Sa isang press briefing, sinabi ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro na tinanggal na si Nietes bilang principal ng nasabing paaralan. Gayunpaman, nilinaw na ang nasabing hakbang ay hindi nangangahulugang kanselado na ang kanyang lisensya sa pagtuturo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica